Angelo's / Angela's POV
Naalimpungatan kami ng gisingin kami nila Papa Vince at Axel. Bumaba na rin kami ng sasakyan at tumingin tingin sa paligid.
Nakakatakot naman dito.
"Sandy sis, tama ba itong napuntahan natin?."
Tumingin naman sya sa cellphone nya at tiningnan ang picture na nakita nya sa f*******:.
"Tama naman, atsaka may ilang sasakyan naman na nandito, so hindi lang tayo yung mag cacamping dito." she answered.
Okay, but its so creepy here.
Lumapit naman sila sa ibang sasakyan.
"Ang gaganda ng sasakyan nila ah." manghang sabi ni Carl.
"Baka makasalubong pa natin sila sa forest o sa camping site. Mukhang bago lang din naman sila dito."
"Kunin nyo na yung mga gamit nyo sa sasakyan kami na ni Carl ang magbubuhat ng tents" sabi ni Vince.
Dalawang tent lang kasi napag usapan na dalhin para di hassle mag buhat, kasya naman kami dun kasi may kalakihan naman yun.
"Let's go."
Naglakad na kami papasok ng Nighty Forest sa pangunguna ni Papa Axel. Kung di ko lang talaga mga kaibigan ito, jinowa ko na mga ito.
Kung nakakatakot sa labas mas nakakatakot sa loob mismo ng forest. Nagtataasan ang mga puno at mga damo. Wala man lang kami marinig na mga huni ng ibon.
Daig pa namin ang nasa haunted forest.
Sandy's POV
Nagulat naman kami ng sumigaw si Angelo.
"Oh my god, my skiiiin." kaartehan talaga nito.
"What the hell Angelo."
"What? Ayoko masira ang skin ko."
Hay naku. Nagsimula na ulit kami maglakad papuntang camping site.
Puro reklamo ni Angelo na naman lang ang naririnig namin tungkol sa skin nya. Sinisira daw ng forest na ito ang balat nya. Napairap na lang ako, tumatahimik lang talaga ito pag tulog.
"Are we not there yet?." di ko na napigilang magtanong, napapansin ko kasing kanina pa kami naglalakad pero di namin makita ang camping site.
"Mahigit isang oras na tayo naglalakad wala pa rin tayo sa camping site?." naiinip na sabi ni Alexa.
Are we lost?
"Do you think we're lost or something?." that's what I'm thinking too.
And I'm having a bad feeling to this forest since we entered.
"Maglakad pa tayo, baka nasa unahan lang yung camping site." Axel suggestion.
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad, pero makalipas ang mahigit isang oras na naman ngunit wala pa rin kaming makita na kahit anong bahay dito.
Napatingin ako sa iba at pagod na pagod na din sila sa kakalakad.
" Axel, magpahinga muna tayo." sabi ko. Sumang ayon naman ito at naupo naman kami lahat sa ugat ng puno.
Nagpalinga linga ako at puro puno lang talaga ang nakapalibot sa amin, its 5pm already. Kailangan na namin mahanap ang camping site o kaya dito na kami mismo magtatayo ng tent.
Nakakatakot ang pagkatahimik ng forest na ito.
Parang sa mga movies. Bakit parang ang layo naman sa picture na nakita ko sa f*******: ang lugar na ito.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Axel's POV
"Sandy, ilang oras ba bago makarating sa camping site?." napatingin naman ito sa akin.
Nakita kung chineck nya sa f*******: yung information.
"Ang sabi dito 1 hour and 30 minutes lang."
1 hour and 30 minutes? Halos tatlong oras na kami naglalakad pero hindi pa rin namin nakikita yung camping site.
Nagdidilim na, kailangan na ma set up ang tent dito mismo.
"Okay guys, set up na natin dito yung tent, dito na tayo magpalipas ng gabi."
Nagsunudan naman sila at inayos na ang dapat ayusin.
After 30 minutes natapos na namin ang pag set up ng dalawang tent para sa girls at boys.
"Carl, samahan mo ako maghanap ng mga kahoy para sa bonfire." sumunod naman ito sa akin.
Naglalakad lakad kami sa gubat at marami rami na rin ang nakuha namin.
"Bro, tutuloy pa ba tayo sa camping site bukas?."
"Pag usapan natin sa bonfire mamaya, kailangan na natin bumalik sa kanila."
Pagkabalik namin sa kanila naka ready na ang pag lalagyan ng bonfire.
"Na ready nyo na ba yung mga lulutuin?."
"Oo Axel."
"Okay, ilagay nyo na dito sa bonfire ng maluto na, isabit nyo dito sa tig kabilang dulo ng kahoy."
Lahat kami nakatingin lang sa karne at manok na iniihaw.
"Axel, anong gagawin natin bukas?." napatingin ako kay Cristail.
"Siguro babalik na lang tayo, baka pagnagpatuloy pa tayo maligaw tayo lalo."
"Mabuti pa nga Axel."
"Di nyo ba napapansin ang pagkatahimik ng forest na ito, kahit huni ng ibon o ibang hayop wala tayong naririnig."
"Napansin ko sis, simula ng pumasok pa lang tayo dito sa forest."
"Nakakatakot diba?."
Nakikinig lang ako sa kanilang ng naramdaman kung parang may nakatingin sa amin. Napalingon naman ako sa paligid ngunit wala naman ako makita.
Kailangan na talaga namin makaalis dito bukas na bukas din.
"Tapos na ba kayo kumain?."
"Yes, I'm already full."
"Oo, tapos na."
"Okay, ayusin niyo na lahat ng pinagkainan natin. Bukas din ng umaga aalis na din tayo agad."
Pagkatapos ko sabihin yun dumeritso na ako sa tent dahil feeling ko talaga may nakatingin sa amin.
Hindi na talaga ligtas ang pakiramdam ko. Kailangan na namin makaalis dito bukas ba bukas din.
Carl's POV
Napansin ko ang pagkabahala ni Axel. May problema kaya?
Pagkatapos namin maayos lahat ng gamit na pinagkainan ay nagpaalam na kami sa mga girls.
"Goodnight girls, isara nyo ng maayos yung tent nyo. May lock naman yan sa loob." paalala ni Vince.
Nagtanguhan naman sila, hinintay muna namin na makapasok lahat ng girls sa tent nila bago pumunta sa tent namin na katabi lang din naman sa tent ng girls.
Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Axel.
"Axel bro, you okay?."
Nagulat naman ito sa biglang tanong ko. Mukha talagang may problema ito.
"I'm fine, we should sleep. Maaga pa tayo bukas."
"Okay, goodnight everyone." at humiga na ako sa tabi ni Vince. Katabi ni Axel si Angelo.
Ano kayang ikinababahala ni Axel? Ngayon ko lang siya nakita na wala sa focus.
Piangsawalang bahala ko na lang kung ano man iniisip nya at humiga na para matulog. Magiging maayos rin naman siguro siya bukas.