Chapter 4

1000 Words
Carl's POV Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. Ako na lang pala mag isa dito sa tent. Anong oras na ba? 7:15am? Sobrang aga naman. Lumabas ako sa tent at nakitang inaayos na nila lahat ng gamit nila. "You're awake. Ayusin muna ang gamit mo aalis tayo ng 8:00." sabi ni Axel. "Okay." pumasok ulit ako sa tent at kinuha ang bag sa gilid at nilagay ang kumot at maliit na unan doon. Mabilis lang din naman ako natapos since di na namin nilabas lahat ng gamit namin kagabi. Lumabas na ako ulit ng tent at nilapag ang bag sa ugat ng puno at tumulong sa pagtiklop ng tent. After 30 minutes naka handa na ang lahat sa pagbalik sa aming sasakyan. "Let's go." Axel said. "Hindi pa muna tayo kakain Axel?." tanong ni Jane. Sabagay kung 3 hours kasi kami maglalakad pabalik panigurado magugutom kami. Mga mukhang inaantok pa naman sila tulad ko. "Sa daan na tayo kumain, may mga easy to eat foods naman kayo na dala." Bakit ba parang nagmamadali sya? Kagabi ko pa talaga napapansin ang pagkabalisa nya. Axel's POV Alam kung nagtataka sila pero di ko na kayang magtagal pa sa forest na ito. I don't feel safe at natatakot ako na may mangyari sa amin na di maganda. Nag umpisa na kami maglakad at sinundan lang namin ang daan na dinaanan namin kahapon. Kapansin pansin talaga ang sobrang tahimik ng forest na ito na ang mismong naririnig lang namin ay ang mga yapak ng paa namin. Napalingon ako sa likod at napansing kumakain sila. Nag aagawan pa sila Angelo at Jane sa crackers. Yung iba naman tahimik lang na kumakain at naglalakad. "Di ka kakain bro" napalingon naman ako sa kaliwa ko at nakita ko si Vince. Sa totoo lang, wala ako gana kumain simula ng nangyari kagabi. Hanggang sa pagtulog iniisip ko lang na makaalis na sa lugar na ito. Napili ko na wag na lang sabihin sa kanila ang nangyari tungkol kagabi para di sila matakot at mag panic. "I'm fine, mamaya na lang siguro." At ibinalik ang tingin sa daan. Kailangan na namin makaalis dito. Cristail's POV Pansin ko ang pananahimik ni Axel. Alam ko seryoso siyang tao pero mas tahimik sya ngayon. "Akin yan b***h, kahit kailan talaga magnanakaw ka pati ba naman pagkain ayaw mo palagpasin." "I'm not a b***h sis. Sa ganda kung ito, kung ano ano lang sinasabi mo sa akin. Atsaka pahingi lang naman ng crackers." "FYI. Hindi ka maganda, atsaka anong hingi lang? Naubos mo na nga yung dalawa." Kanina pa itong dalawa na ito nagbabangyan tungkol sa crackers, ang dami dami nilang pagkain nag aagawan sila sa crackers. Napailing na lang ako. Hindi ko na lang pinansin yung dalawa at dumeritso na lang ng lakad. Titigil din mamaya yang mga yan pag pagod na. Alexa's POV Mahigpit tatlong oras na kami naglalakad pabalik pero feeling ko ang layo layo pa namin sa entrance nitong forest. Pagod na pagod na kami sa kakalakad dahil ayaw na magpahinga ni Axel. "Sandali nga, kanina pa tayo naglalakad pero parang ang layo layo pa rin natin sa entrance." sabi ni Jane. Tama siya. "Tama si Jane, parang pabalik balik lang tayo." naliligaw na naman ba kami? Nagpalinga linga naman si Axel sa paligid at parang kinakabahan. "Magpahinga muna tayo 11:30 na din, kumain na rin tayo bago maglakad ulit mga sis." angelo said. Umupo naman kami sa lupa at nag kanya kanya ng labas ng pagkain. Buti na lang pala marami rami ang nadala kung pagkain. After kumain at magpahinga nagsimula na naman kami maglakad. Maglakad ng maglakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Lakad. Its already 1:35pm halos dalawang oras na kami naglalakad simula ng kumain kanina pero nandito pa rin kami sa gitna ng Nighty Forest. "Stop." i said. Napatingin naman sila lahat sa akin. "May mali talaga sa Forest na ito, limang oras na tayong naglalakad pero nandito pa rin tayo sa gitna ng forest." "Parang di tayo umaalis dito at paikot ikot lang." sabi naman ni Sandy. "Ano bang nangyayari? Natatakot na ako guys." sabi ni Jane ng naluluha na. Nilapitan naman sya ni Cristail at pinapakalma. Mukhang halos lahat kami natatakot na sa nangyayari sa amin. Hindi na rin pati nag iingay si Angelo. Vince's POV Kahit ako di na alam ang gagawin sa nangyayari ngayon. Dapat talaga di na kami tumuloy dito. Napansin ko rin sa ilang oras naming paglalakad wala man lang kami nakitang ibang tao bukod sa amin. Impossible namang walang pumunta dito pero merong mga sasakyan kami nakita sa labas ng Forest na ito. Pansin ko rin ang pagka problemado ni Axel. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan na parang di alam ang gagawin. Nakakapanibago at nakakapagtaka. "Anong gagawin natin?." Sandy asked. Walang sumagot sa tanong nya, dahil kahit sino sa amin di talaga alam ang gagawin. Ano ba kasing meron sa forest na ito? Bakit hindi kami makalabas? "Tipidin nyo ang pagkain na meron kayo simula ngayon." sabi ni Axel habang isa isa kaming tinitingnan. "Dahil di natin alam kung kelan tayo makakalabas dito." sa sinabi nya di na napigilan ng girls na umiyak. We feel hopeless right now. Ano ba talagang nangyayari sa forest na ito? Sana naman walang mangyari sa aming masama. Jane's POV Dahil sa sinabi ni Axel di na namin napigilan umiyak. Bakit ba nangyayari sa amin ito? Gusto lang naman namin maranasan mag camping, pero bakit ganito ang nangyayari? "Wala tayong magagawa kung hindi maglakad hanggang marating natin ang entrance kahit ano mangyari." Napagpasyahan naming maglakad ng maglakad hanggang sa hindi ba namin alam kung saan tutungo. Wala ng umiimik sa amin. Puro takot at pangamba na lang ang nararamdaman namin ngayon. Yung masayang kwentuhan at asaran nawala na. Lahat seryoso sa paglalakad wala ng humihinto para lang makalabas dito. Mag gagabi na naman pero nandito pa rin kami. Habang naglalakad isang tanong lang ang nasa isip ko. Makakalabas pa ba kami dito? Please god, help us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD