Sandy's POV
Kapansin pansin ang pananahimik ng lahat. Pero patuloy pa rin sa paglalakad.
Napahinto kami ng biglang nagmura si Vince.
"What the fuck."
"What happened?."
"The hell. Bakit nandito na naman tayo?." napatingin naman ako sa tinitingnan nila.
Nagulat ako sa nakita. Nandito na naman kami sa kung saan kami umalis kanina. Di ko na naman napigilan umiyak. Ano ba talagang nangyayari?
Naririnig ko na din ang ang iyak ng iba at ang pag buntong hininga ng mga lalake.
"We don't have a choice. We need to stay here again for tonight." sabi ni Axel sa nanghihinang tono.
"Set up the tent again." kumilos naman sila Carl, Vince at Angelo.
Mapapansin ang pagbabago kay Angelo dahil na rin siguro sa nangyayari.
Pagkatapos ma set up at kumain ang lahat. Walang imik na nagsipasok sila sa tent nila.
Pagpasok ko sa tent nakita kung tulala at pinipigilan nilang umiyak.
"Why is this happening to us?." humihikbing sabi ni Cristail.
"I want to go home." di ko na ring mapigilan ang luha ko.
Nagiiyakan kami ng makarinig kami ng kaluskos malapit sa tent namin.
"What is that?." i don't know.
Sumilip ako sa labas ng tent at nakita kung lumabas din ang mga boys.
"Anong nangyayari?." i asked.
Hindi nila ako sinagot at nakatingin lang sa likod ng tent namin.
"Lumabas kayo dyan sa tent. Bilis." nagmamadaling sabi ni Carl.
Agad agad naman kami lumabas at pinalibutan ng boys.
Wala naman ako makita sa paligid pero pakiramdam ko may matang nakatingin sa amin.
Sana mali lang ako ng kutob. Please.
Carl's POV
Pagpasok namin sa tent naabutan ko na namng malalim ang iniisip ni Axel.
"Bro, may problema ba? Kahapon ka pa wala sa sarili."
Nagbuntong hininga lang ito.
"I need to tell you something." nakuha naman nya ang atensyon ni Vince at Angelo.
"Kagabi habang kumakain tayo pakiramdam ko may nakatingin sa atin, pero wala naman ako nakita sa paligid." nagulat naman kami sa sinabi nya kaya pala wala sya sa sarili buong araw.
"Kaya ba gustong gusto mo na umalis kaninang umaga?." tanong ni Vince.
"Yes bro, feeling ko kasi pagnagtagal pa tayo dito may mangyayari, and I'm right. Tingnan mo ang nangyayari ngayon." sabi nya.
Bakit ba di ako naghila agad na may kakaiba, na hindi mababalisa si Axel kung wala dapat ikabahala.
Natahimik naman kami at iyak ng mga girls na lang ang naririnig. Alam namin takot na takot na sila, but we're scared too.
Ngunit nabalik kami sa ulirat ng makarinig kami ng kaluskos. Lumabas kami ng tent at hinanap ang pinagmulan ng ingay. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa pwedeng mangyari.
Pinalabas ko naman ang girls sa tent kasi pakiramdam ko may matang nakamasid sa amin.
Nagtaasan ang balahibo namin ng humangin ng malakas at pagtingin namin sa harap may babaeng duguan na papalapit sa amin.
Sa sobrang takot nag kanya kanya ng takbo ang lahat.
Hindi ko na alam kung saan sila pumunta.
Tumakbo ako sa kaliwa para sundan sila Sandy at Jane. Baka kung anong mangyari sa kanila.
Jane's POV
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, patuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak.
Napalingon ako sa paligid at wala ako makita kahit isa sa kasama ko. Dun ako lalo napaiyak at patuloy na tumakbo.
Ano bang kasalanan namin para maranasan ito?
Napatigil ako ng di na ako makahinga sa sobrang pagtakbo.
Napalingon ako sa paligid ko at wala ako ibang makita kung di kadiliman.
Napagpasyahan ko na lang na umupo at sumandal sa puno at maghintay na sana may dumating kahit isa sa kanila.
Makalipas ang ilang minuto may narinig akong yabag na papalapit sa pwesto ko. Kumuha ako ng medyo malaking sanga at naghintay.
Handa na sana ako hampasin kung sino man ang padating pero namukhaan ko ito.
"Sandy." napatingin naman ito sa akin at tumatakbong umiyak.
Nagyakapan kami habang nagiiyakan sa bisig ng isa't isa.
Ng mahimasmasan sumandal kami sa puno.
"Nakita mo ba yung iba?." tanong ko habang nakatingin dito.
"Hindi ko sila nakita, basta tumakbo ng tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako dito."
"Asan na kaya sila at ano na nangyari sa kanila?."
"Hindi ko rin alam Jane. Di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina."
"Sana okay lang sila."
"Dito na tayo magpalipas ng gabi." napatango naman ito.
Bukas kailangan mahanap na namin ang iba naming kaibigan.
Hindi ko na gugustuhing gumabi na di sila kasama lalo na at baka maulit ang nangyari kanina.
Pinipilit ko matulog kahit ayaw pumikit ng mata ko.
Cristail's POV
Hindi ko na alam kung saang parte ng gubat tumakbo ang iba. Basta lang ako tumakbo palikod ng makita ko yung babaeng duguan.
Habang tumatakbo nagulat na lang ako ng may biglang humila sa akin. Sisigaw na sana ako ng makilala kung si Axel ito.
Patuloy kami sa pagtakbo habang hila hila ako. Napahinto kami sa mga puno na may malalaking ugat. Pumunta kami doon at naupo para magtago.
Hingal na hingal kami. Ng umokay na ang paghinga namin humarap ako kay Axel.
"Ano ba talaga ang nangyayari Axel?."
"I don't know Cristail. Maybe this forest is haunted." lalo naman ako natakot sa sinabi nya. Ibig sabihin wala na talaga kaming chance na makaalis dito?
Ayoko man isipin pero sa nangyayari ngayon nawawala na ako ng lakas ng loob para maging positibo.
"Nakita mo ba kung saan tumakbo yung iba?." i asked.
"Si Vince sa kanan tumakbo, nakita ko rin sila Alexa at Angelo pero di ko alam kung magkakasama sila. Me and you dito sa likod. Sila Sandy, Jane at Carl sa kaliwa." paliwanag nito.
"Sana magkakasama sila."
"Sana Cristail, mahihirapan tayo maghanap pag magkakahiwalay sila."
"Magpahinga ka na. Hahanapin natin sila bukas."
"Paano ka?" hindi pa siya matutulog.
"Babantayan kita at ang paligid. Hindi tayo dapat makampante."
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
Dahil na rin siguro sa pagod sa pagtakbo at haplos ng kamay ni Axel sa ulo ko ay mabilis akong nakatulog.
***
Don't forget to comment and like everyone. Thank you ? I purple you ?