Chapter 6

1080 Words
Vince's POV "Alexaaaa" "Angelooo" Patuloy lang ako sa pagtakbo habang tinatawag ang pangalan ni Alexa at Angelo. Dito sila tumakbo kaya sinundan ko sila. Nakita kung sinundan ni Axel si Cristail. At si Carl sinundan sina Sandy at Jane. Sana magkakasama na sila. "ALEXAAAAA" "ANGELOOOOO" Paulit ulit ko lang sila tinawag hanggang sa may narinig akong kaluskos. Sinalubong ko ito at nakita ko si Angelo. "Angelo." hinihingal na tawag ko. Napalingon naman ito sa akin at tumakbo palapit. "Vince." hinihingal din na sabi nito ng makalapit. "Nakita mo ba si Alexa?." tanong ko dito. "Hindi, sinusundan ko sya pero bigla siyang nawala sa paningin ko." "We need fo find her." "Okay." Nagpatuloy kami sa pagtakbo ni Angelo habang sinisigaw ang pangalan ni Alexa. "ALEXAAAAA." "ALEXAAAAAAAA" Asan ka na ba? Napatigil ako sa pagtakbo ng hawakan ako ni Angelo. "Kailangan na muna nating magpahinga." "Kailangan muna nating mahanap si Alexa." "Vince, hindi natin sya mahahanap sa sobrang dilim na ng paligid. Mapapahamak lang tayo." "Bukas na natin ng umaga hanapin si Alexa." Sumusukong napasandal ako sa puno na malapit sa amin. He have a point, mapapahamak kami lalo pag nagpatuloy pa kami ngayon. Carl's POV Hinahabol ko si Sandy ng matalisod ako. Pag angat ko ng tingin wala na sya. " Shit." mura ko. Pag minamalas ka nga naman. Tumakbo pa rin ako kung saan ko huling nakita si Sandy. Di pa naman siguro nalalayo yun. "SANDYYYY" "JANEEEEEE" Sana naman magkasama sila Sandy at Jane. Tumakbo lang ako ng tumakbo habang iniikot ang hawak kung flashlight. "SANDYYYYYYY" "JANEEEEEE" Ngunit wala pa rin ako naririnig na response. Bakit ba kasi sa amin pa ito nangyayari. Wala naman kami ginagawang masama? Bakit kailangan sa amin pa? Napapagod na napasandal ako sa puno upang saglit na magpahinga. Its already 2:30 in the morning at nakakatakot lalo ang paligid. Tatakbo na sana ako ulit ng mailawan ko ang isang babae sa unahan ko. Medyo malayo ito sa akin. Nilapitan ko ito at tinawag. "At last i found you San--" napatigil ako ng humarap ito. It's not Sandy. Yung babaeng duguan na nakita namin kanina. Dali dali akong tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko dahil sa nakita ko. Wala na ako pakialam kung umiiyak ako ngayon. Basta makaalis lang ako dito. Nakakalayo na ako ng maramdaman kung may tao sa harap ko. Bago pa man ako makatakbo ulit nasugatan na ako nito sa paa na naging sanhi ng pagkatumba ko. Nagulat naman ako ng mamukhaan ko kung sino ang nasa harap ko. "Whyyyyy?." sigaw na tanong ko dito. Bakit niya ito ginagawa. Hindi naman ito sumagot at patuloy lang na lumalapit sa akin. "I thought we're friends. Pero bakit ginagawa mo ito." gaya kanina hindi ito sumagot at patuloy lang na lumalapit. Is this my end? Di ako makapaniwalang isa sa kaibigan namin ang gagawin ito sa amin. "Damn you." mura ko dito. Pero hampas ng patalim sa aking ulo ang nakuha kung sagot mula dito at tuluyan na akong nawalan ng hininga. Alexa's POV Hindi ko na alam kung nasaan ako at wala rin ako makita sa dinadaan ko. Nangangapa ako sa dilim. Impossible na mahanap ko sila sa sitwasyon ngayon, pero nakakatakot mag isa, pero wala ako magagawa. Kailangan kung maghanap ng matataguan at dun magpalipas ng gabi. Pero halos puno lang ang meron dito talaga wala akong choice. Pumunta ako sa medyo kalakihan na puno at dun napiling magpahinga. Ilang minuto na ang nakalipas di pa rin ako makatulog dala ng takot na nararamdaman. Palingon lingon ako sa paligid kahit wala ako makita. Sana okay lang sila. At magkita kita na kami, di ko na kakayaning mag isa sa mga susunod na gabi. Di ko namalayang nakatulog na ako sa kakaisip sa mga kaibigan ko. Vince's POV Naalimpungatan ako at tumingin sa kaliwang bisig ko, 6am na ng umaga kailangan na namin mahanap si Alexa at ang iba. "Angel---" nabitin ang pagtawag ko ng mapansin kung wala si Angelo sa paligid. Saan naman pumunta yun? Delikado mag isa ngayon. Sisigaw na sana ako para hanapin ito ng lumabas ito sa gilid ko. Napatingin naman ako dito. "Saan ka galing?" nagtatakang tanong ko. "Naghahanap ng pagkain. Hindi ako nakatulog kaya hinintay ko na lang magliwanag saka naghanap ng makakain pero wala akong nakita." paliwanag nito. Ng mag-isa? Nagbago na talaga ito dahil sa mga pangyayari. "Okay, let's go. Hanapin na natin si Alexa at pwede tayo bumalik sa tent natin since nandun ang mga pagkain natin." Tumango naman ito at sumunod sa akin. Nag umpisa na ulit kami magtawag sa pangalan ni Alexa. "ALEXAAAAAAAA" "ALEXAAAAAAAAAAA" "ALEXAAAAAA" Pero katulad kagabi wala pa rin alexa na nagpakita. Nagugutom na ako. "Tingin mo, mahahanap natin pabalik sa tent natin?." tanong ko kay Angelo. "Maybe, kasi doon at doon lang din naman ang bagsak natin." "Okay, sana makasalubong natin yung iba habang pabalik doon." Naglakad na ulit kami habang palinga linga sa paligid. Ang tahimik na ni Angelo. Di ako sanay na hindi ito nagsasalita at nagrereklamo. Ngayon parang lalakeng lalake na talaga ito sa kinikilos nya. Maganda na rin siguro yun para may magtatanggol sa mga babae. Sandy's POV Nagising ako sa tapik ni Jane. Di ba sya natulog? "Bakit?" "Kailangan na natin umalis at hanapin sila." Tumayo naman ako at nakaramdam ng gutom. "Saan tayo magsisimula?" tanong ko dito. "Hanapin natin pabalik sa tent natin para makakain rin tayo." Pero mag iisang oras na kami naglalakad hindi pa rin namin makita yung tent. Nanghihina na ako sa gutom. "Jane, gutom na ako." pagtawag pansin ko dito. Nilingon naman ako. "Kaya kailangan na natin mahanap yung tent natin kasi nandun lahat ng pagkain natin." tumango naman ako at nagumpisa na ulit maglakad. Ilang oras pa at natanaw na namin ang tent. Nagkatinginan pa kami ni Jane at sabay na tumakbo. Kahit saan talaga kami mapunta dito at dito pa rin ang balik namin. Nagkagulatan pa kami pagkadating sa harap ng tent kasi nandoon na din sila Vince, Angelo, Cristail at Axel. Nagyakapan kami lahat at bakas sa mukha ang saya. Pero napansin ko na may kulang. "Asan si Carl at Alexa?" "Di namin nahanap si Alexa, si Carl hindi niyo nakita sinundan kayo nun kagabi?" sagot ni Vince. "Hindi namin kasama si Carl." sabi naman ni Jane. "Hahanapin natin sila pagkatapos natin kumain. Bilisan nyo." sabi ni Axel. Naupo na kami at tahimik na kumain. Mahahalata sa aming lahat ang pag aalala para sa dalawa. *** Don't forget to comment and like everyone. Thank you ? I purple you ? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD