Cristail's POV
Gaya ng napag usapan nagsimula na kami maghanap kay Carl at Alexa. Sama sama kami dahil ayaw na namin maulit pa yung nangyari.
Its already 10am in the morning. Nakakuha na kami ng extra battery para sa flashlight. Dinala na din namin ang gamit at pagkain na kailangan dalhin.
"ALEXAAAAAA"
"CARLLLLLLLL"
"ALEXAAAAAAAAA"
"CAAAAAAARL"
Kailangan namin bilisan sa paghahanap sa kanila habang maaga pa. Mahihirapan kami pag inabot pa kami ng gabi dito.
"CAAAAAAAARL"
"ALEXAAAAAAAA"
Where are you guys.
Napalingon ako sa iba at pursigido talaga sila mahanap sila Carl at Alexa. Bago pa ako magbawi ng tingin sa kanila parang may napansin ako Or maybe I'm paranoid.
Pinagsawalang bahala ko na lang yun at nag patuloy sa paglalakad.
Sana makita na namin sila.
Unknown's POV
Nakakatawa sila pagmasdan.
Desperadong desperado. Tsk.
Matuwa pa kaya sila pag nakita na nila ang bangkay ni Carl? HAHHAHAHAHA
I can't wait to see their reaction.
Kailangan maunahan ko sila mahanap si Alexa.
Angelo's / Angela's POV
It's already 2pm in the afternoon. Naisipan muna namin na magpahinga saglit at kumain.
Ngayon lang kami huminto simula kanina mula sa paglalakad.
Wala man gana pero kailangan namin kumain para magkalakas. Di namin pwedeng pabayaan ang katawan namin.
As usual tahimik na naman kami kumakain.
Ito na ata ang magiging routine namin hanggang sa mga susunod na araw.
After 30 minutes nag patuloy na kami sa paghahanap.
Magdidilim na naman kailangan na namin sila mahanap.
"ALEXAAAAAA"
"CAAAAAARL"
Saan kaya tumakbo yung dalawa na yun?
"ALEXAAAAAAAA"
"CAAAAAARL"
Lakad lang kami lakad di alam kung saan tutungo. Atleast magkakasama na kami ngayon.
Kanina pa kami nagtatawag pero wala pa ring Alexa at Carl na dumadating.
Ito na ang kinakatakot namin. Ang pag gabi dahil mahihirapan kami makita ang dadaanan namin.
"Guys, its getting dark. Anong gagawin natin?" nag aalalang sabi ni Jane.
"Gaya ng dati, kailangan natin maghanap ng malaking puno na may mga malalaking ugat at doon tayo magpapahinga."
At ilang oras nga lang sobrang dilim na naman ng paligid tanging ilaw sa flashlight namin ang nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi.
Ilang minuto pa ata nakahanap na kami ng punong pwedeng tulugan.
"Magpahinga na kayo. Patayin nyo yang ilaw galing sa flashlight para maka save ng battery." nagtanguhan naman kami at tabi tabi na sumandal sa puno yung iba nakasandal ang ulo sa ugat ng puno.
Napabuntong hininga naman ako. Wait for us Alexa and Carl.
Pumikit na ako at pinilit na makatulog. Kailangan kung makabawi sa tulog kahit papaano.
Pero gising na gising nang utak ko. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung bakit. Sana naman walang nangyaring masama kay Alexa.
Buong magdamag lang akong mulat at patingin tingin sa paligid at ibabalik ang tingin sa mga kasama ko.
Tutal di rin naman ako makatulog kaya babantayan ko na lang sila habang natutulog. At least mafefeel ko na safe sila pag nakikita ko sila.
Ano kaya ang nakaabang sa amin kinabukasan? Sana mahanap na namin sila.
Napabungtong hininga na lang ako.
Unknown's POV
Pinagmasdan ko lang sila matulog.
Mukhang mawawalan na naman kayo ng kaibigan HAHAHHAHAA
Masyado silang uto uto.
Dahan dahan ako umalis at naglakad sa gitna ng kagubatan.
Hmm. Where are you prey? HAHAHAHHAA
Nakarinig naman ako ng yapak ng mga paa.
Malayo pa siya sa mga kaibigan nya. But because i am a powerful one. I can hear everything.
Napangiti naman ako.
Kusang pagkain na ang lumalapit.
I'm coming my prey. Kasalana niyong pumunta pa kayo dito.
Alexa's POV
Pagod na pagod na ako. Wala pa akong kain simula kaninang umaga. Kanina pa rin ako naglalakad at nagbabakasakaling makita sila.
Hinahanap kaya nila ako?
Nanghihina na ako.
Sana naman mahanap na nila ako.
Pero sa sitwasyon ngayon impossible magkita kita kami. Sobrang dilim na naman, at pakislap kislap na lang din ang flashlight ko at anytime mawawalan na ng ilaw.
Di ko na alam kung saan ako pupunta. Walang katapusan na mga puno at halaman lang ang nadadaanan ko.
Kahit pagod at nanghihina pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad.
Ngunit napahinto ako ng may masilayang ilaw sa di kalayuan. Nahanap nila ako.
Parang bigla akong nabuhayan, gamit ang natitirang lakas tinakbo ko ang pinagmumulan ng ilaw.
At tama ang hinala ko.
Narinig ata nito ang yapak ko kaya napalingon ito sa akin.
"Alexa, finally i found you." nakangiting sabi nito pero parang may kakaiba.
Gutom lang ako siguro kung ano ano na napapansin ko.
"Thank you. Kala ko di ko na kayo makikita." naiiyak na yakap ko dito. Akala ko talaga di ko na sila makikita.
"Hush now. Let's go." aya nito sa akin.
"Saan ang daan?" tanong ko dito.
"Just go straight." sumunod naman ako sa kanya.
"Okay lang ba sila?"
"Magkakasama ba kayo?"
"O hinahanap mo din sila?"
"Saan nga pala tayo pupunta?"
Nagtaka naman ako dahil di sya sumasagot sa mga tanong ko.
Kasabay ng paglingon ko sa kanya ay ang paghiwa nya sa tagiliran ko gamit ang patalim.
Nanghihinang napaupo ako sa lupa at di makapaniwalang nakatingin sa taong nasa harapan ko.
" You're so nosy BITCH." gulat na gulat pa rin ako sa ginawa nya.
"Why?" sabi ko habang umiiyak at iniinda ang sakit ng sugat sa tagiliran.
We're friends for like ages paano nya ito nagagawa sa akin.
"I'm your friend, why are you doing this?"
"We're not friends BITCH."
"You're a demon. Go to hell bit---" di ko na natapos ang sasabihin ko ng hampasin na naman niya ako ng patalim sa ulo.
Hanggang sa huling hininga ko di pa rin ako makapaniwala na magagawa niya ito.
Please. Wag niyong hayaan na malinlang nya kayo.
"I'm already in hell b***h" natatanaw ko pa itong umalis bago ako mawalan ng hininga.
Vince's POV
Nagising ako ng 12 midnight at napansin kung wala si Axel sa tabi ko.
Asan yun? Tiningnan ko naman ang iba at si Axel lang talaga ang wala.
"Sinong hinahanap mo?" nagulat naman ako sa nagsalita.
"Ikaw, saan ka galing?" tinuro naman nito ang puno di kalayuan sa amin.
"Umihi ako bro." napatango na lang ako at bumalik sa pagkakatulog.
***
Don't forget to comment ang like everyone. Thank you ? I purple you ?
***