Chapter 8

1010 Words
Jane's POV Kinaumagahan. 3 days na kami dito sa Nighty Forest. Gaya ng laging ginagawa pagkatapos kumain ay nagumpisa na naman kami maglakad para hanapin sila Carl at Alexa. Medyo inaantok pa kami pero kailangan na namin maghanap. Nauuna maglakad si Axel kasunod si Cristail nasa gitna naman kami ni Sandy at sa hulihan si Vince at Angelo. "ALEXAAAAA" "CAAAARL" Patuloy lang sila sa pagtawag habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Kung tutuusin maganda ang kagubatan na ito kung wala lang kababalaghan na nangyayari. Pero kung anong kinaganda nya sa umaga, sobrang nakakatakot at mapanganib naman pag gabi halos wala na kami makita. "ALEX--" napatigil ako sa pagtawag sa pangalan ni Alexa ng mabunggo ako kay Sandy. Nagtataka naman akong napalingon dito na nakahinto lang. Napalingon ako sa harap at mas lalo ako nagtaka ng nakahinto rin sila. Ano nangyari? "What happe---" naputol na naman ako sasabihin ko ng sumigaw si Cristail. "AAAHHHHHHHHH" napatakbo naman kami sa harap para mapahinto din sa nakita. Why? Bakit kailangan mangyari pa ito. No, this is not happening. Habang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Pero napaluhod na ako ng marinig ang iyakan nila Sandy at Cristail. Yung mga boys naman tahimik na umiiyak habang nakaluhod sa bangkay ni Carl. Yes, bangkay ni Carl. Paano nangyari to? Yung babaeng duguan ba ang may gawa nito. Ano na ang mangyayari sa amin? Cristail's POV Di pa rin ako makapaniwala sa bangkay na nasa harap namin ngayon. May sugat ito sa paa at may hiwa sa ulo na siyang ikinamatay nito. Ang brutal ng pagkakapatay sa kanya. Kita na namin ang utak nito. Kaya pala hindi ito nag rerespond sa mga tawag namin kasi patay na ito. Pinagsusuntok ni Axel ang puno malapit sa kanya sa sobrang galit. Pinigilan naman ito ni Sandy. Ano ng gagawin namin? Natatakot ako na baka mangyari din ito sa amin. Si alexa? Ayaw ko mag isip ng masama pero paano kung huli na din kami para sa kanya? Wag naman sana please. Pagkatapos namin lahat kumalma. Naisipan namin na ilibing na din mismo ang bangkay ni Carl. Kumuha ng malalaking kahoy sila Axel, Vince at Angelo at nagsimula na maghukay. Nakatingin lang kami sa kanila gamit ang malulungkot na mata. Halos mag iisang oras bago sila makahukay ng sapat na lalim para mailibing si Carl. Nilagyan ni Vince ng krus na kahoy ang libangan ni Carl. Taimtim kami nagdasal na sana nasa maayos na lugar na siya at gabayan kami sa nangyayari ngayon. Sana mahanap na din namin si Alexa. Unknown's POV HAHAHAHHAHAHAHA Kay gandang pagmasdan ng mga mukha nilang nagdurusa. Di pa diyan nagtatapos ang lahat. Kailangan nyo maghanda dahil may DALAWANG bangkay pa kayo na dapat hanapin HAHAHAHAHAHA At sigurado ako na madadagdagan pa yan. Kaya dapat na maghanda kayo at maging mapagmasid sa paligid. Sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang pinaglibingan ni Carl. Sandy's POV Nag stay pa kami ng isang oras sa lugar na pinaglibingan kay Carl at parang ayaw na namin umalis pero kailangan namin hanapin si Alexa. "Let's go. We need to find Alexa bago pa mahuli ang lahat" nagtayuan na kami at sumunod sa kanya. Dapat namin lakasan ang loob para mapabilis ang paghahanap. Keep Alexa safe. Please God. Mas lalong naging tahimik ang lahat dahil sa pagkamatay ni Carl. Who wouldn't anyway. Lahat kami malungkot at umaasang makita na si Alexa. "ALEXAAAAA" "ALEXAAAAAAA" Tatlong oras na kami naglalakad at naghahanap kay Alexa. Sigurado akong gutom na yun at nanghihina. "ALEXAAAAAA" Please magpakita ka na. "Guys, kumain muna tayo. Its 12pm already." sabi ni Angelo habang nakatingin sa relo. Yeah. Nakakaramdam na din ako ng gutom at pagod sa paglalakad. "Okay." Axel replied. Kung nakakawala ng gana nitong nagdaang araw mas walang gana kumain lahat ngayon. Napipilitan lang dahil sa nanghihina o kaya kumakalam na ang sikmura. Kailan ba matatapos ito? May katapusan nga ba? O kami ang magtatapos? Wag naman sana. Angelo's / Angela's POV Nag aya ako kumain kasi napapansin ko na ang pagod ng lahat sa paglalakad. Halos wala kami gana kumain dahil sa mga nangyayari. At mangyayari pa lang. Hindi ko na alam ang gagawin sa totoo lang. Nahihirapan na ako sa nakikita at natutuklasan at matutuklasan ko. Ang daming nagbago simula ng pumasok kami sa gubat na ito. Sana pala di na kami tumuloy. Sana mas pinili na lang namin mag beach ulit kaysa sa maranasan itong nararanasan namin ngayon. Sana nag out of the country na lang kami at nag saya hindi tulad ngayon na puno ng takot at pangamba ang nararamdaman. Ang daming sana pero sa dami ng sana na yun bakit kailangan maranasan pa namin ito? Gusto lang naman namin ng bagong excitement pero bakit nightmare yung binigay sa amin. At walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa amin lahat. Wala kami kasiguraduhan kung anong mangyayari sa amin pero itong gubat parang alam na ang mangyayari sa amin. Axel's POV Di pa rin ako makapaniwala sa pagkamatay ni Carl. Hindi na ako makapag isip ng tama sa mga nangyayari. Di ko alam kung kaya ko pang magpakatatag sa mga nangyayari ngayon. Di ko na rin alam ang gagawin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin lalo na ng makita ko ang bangkay ni Carl. Are we gonna end up like him too? Ayoko isipin pero sa sitwasyon ngayon mahirap maging positibo. Kaya pala wala kaming makitang tao bukod sa amin. Dahil may nangyayaring kababalaghan sa gubat na ito. Kaya pala may mga sasakyan kaming nakita doon sa entrance kasi hindi na nakalabas ang mga may ari nun. Magagaya ba kami sa kanila? Dapat hindi ko na lang sinuggest sa kanila ang camping. Wala sana kami sa sitwasyon na ito ngayon. Buhay pa sana si Carl ngayon. Kasalanan ko ba? Siguro nga. Sobrang pagsisisi na ang nararamdaman ko para sa kanila. Sana naman ayos lang si Alexa kung nasaan man sya. Mababaliw na ako pag pati sa kanya may nangyaring di maganda. Sana okay lang siya kung asan man siya. *** Don't forget to comment ang like everyone. Thank you so much ? I purple you ? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD