Pagpasok namin, agad kaming sinalubong ng isang matangkad na waiter. “Good evening, Mr. Morris. Your table is ready.” Tumango lang si Brixton, tapos bahagyang humawak sa likod ko para i-guide ako papasok. Ramdam ko ang init ng palad niya kahit nakasuot ako ng manipis na blazer. Napalunok ako. Dinala kami sa isang malaking VIP room na may salamin na dingding at overlooking ang tanawin sa labas. Hindi raw kita ang mga nandito sa loob mula sa labas. May malaking mesa sa gitna, may candlelight sa gitna at mga pulang rosas na nasa vase. Halos mapasinghap ako sa hitsura ng lugar. “W-Why are we here, Brixton?” “Dinner,” simple at walang kagatol-gatol na sagot niya. “You haven’t eaten, right?” Sinubukan kong ngumiti kahit halata ang kaba sa boses ko. “Puwede namang sa ordinary restaurant lan

