Trishna’s POV Back to Present Time… Pagdating ko sa ospital, tuloy-tuloy ang routine na nakasanayan ko. Morning endorsements, ward rounds, tapos consultation requests. Third year na ako sa residency ko sa dermatology, pero araw-araw pa rin akong kinakabahan. Hindi dahil hindi ko alam ang gagawin, kundi dahil alam kong kahit isang pagkakamali lang, pwedeng ikasira ng pangalan mo. Bandang alas-diyes, habang nagrereview ako ng charts sa resident’s office, biglang pumasok si Nurse Ritzen na may dalang malaking bouquet ng white tulips at isang paper bag ng pastries. “Doc Trish! Delivery for you!” kinikilig na pagbabalita niya sa akin. Napatitig ako. “Ha? Para sa akin?” “Yup! May card pa, oh.” Inabot niya sa akin nang nakangiti. “Ang sweet naman ni Sir Randall, Ma’am.” Biglang kumislap

