Chapter 10

1448 Words
"BEATRICE, let's go," wika ni Paula sa kanya nang matapos ang klase nila. "Nagugutom na ako," dagdag pa na wika nito. "Mauna ka nang kumain, Paula. Pupunta ako ng gymnasium," sagot naman niya dito. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Paula sa sinabi niya. "Anong gagawin mo doon?" tanong nito sa kanya. Ipinakita naman ni Beatrice ang text message na natanggap niya mula sa unibersidad kay Paula. Nakita naman niya ang paninitig nito screen ng cellphone para basahin ang text message para sa kanya. "Bakit kayo pinapatawag?" tanong nito nang ibalik nito ang tingin sa kanya. Nagkibit-balikat naman siya. "Hindi ko alam, eh," sagot niya Natanggap ni Beatrcie ang text message na iyon kanina galing sa unibersidad. Ang agenda ay may meeting silang mga graduating students na schoolarship. Wala naman siyang ideya kung tungkol saan ang meeting dahil wala namang nakalagay sa text message, basta pinapatawag lang sila. "So, hindi tayo magsasabay?" tanong nito sa kanya. Tumango naman siya. "Mauna ka nang kumain kung nagugutom ka na. Hindi ko din kasi alam kung hanggang anong oras matatapos ang meeting namin," sagot naman niya kay Paula. "Okay. Just text me kung tapos na ang meeting niyo," sagot naman nito sa kanya. "Wala akong load," sagot ni Beatrice dito. Hindi nga niya napigilan ang mapasimangot dahil sa kawalan niya ng load. Dahil kasi doon ay hindi tuloy niya na-reply-an si Brandon. Hindi nga niya maipaliwanag kung bakit siya nakaramdam ng paghihinayang. "Okay. Doon lamg ako sa cafeteria." Tumango naman si Beatrice bilang sagot sa sinabi nito. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng classroom pero ibang dereksiyon naman ang tinahak nilang dalawa. Sa kaliwa siya dahil doon matatagpuan ang gymnasium ng unibersidad nila. Pagdating nga ni Beatrice sa gymnasium ay napansin na niya ang mangilan-ngilan na estudyante na naroon. At gaya niya ay pawang mga schoolar din ang mga ito. Nagpatuloy naman siya sa paghakbang hanggang sa naupo siya sa monoblock chair na naroon. Marami din silang mga schoolar, humigit kumulang bente silang lahat. At mayamaya ay napuno na din ang monoblock chair. Mukhang naroon na silang lahat. At ang hinihintay nila ay ang presidente ng unibersidad. At makalipas ng ilang sandali ay umakyat na din ng stage ang presidente ng unibersidad nila. Umayos naman si Beatrice mula sa pagkakaupo niya. Bigla na nga ding tumahimik ang mga estudyanteng nasa tabi niya. “Good afternoon, students," bati nito sa kanila. “Well, I know you’re all wondering why I called all of you here," umpisa nito sa kanya. “But before I explain why I called you here, I’d like to congratulate you all first," pagpapatuloy na wika nito. "Congratulations on your well-deserved success. Your hard work, dedication, and perseverance as a scholar have finally paid off," wika nito sa kanila. "And we are very proud all of you," dagdag pa na wika nito sa kanila na nakangiti. “And we have good news for all of you. We know that some of you have your own struggles in life. Nag-aaral sa umaga at nag-aaral sa gabi. Ang iba ay hindi alam kung saan kukuha ng pera na ipangbabayad ng ibang kailangan na hindi sakop ng ibang schoolarship. Lalo na at maraming bayaran ngayon dahil sa nalalapit na graduation niyo." Tama ang presidente ng unibersidad nila at isa siya sa mga naghihirap na makaipon ng pera para mabayadan ang mga kailangan niyang bayaran para maka-graduate siya. At alam niyang hindi siya nag-iisa. "At ngayon ay gusto kong ipaalam sa inyo ang magandang balita," wika nito na nakangiti. “There is someone who wishes to remain anonymous and wants to cover all the expenses you need to pay for your upcoming graduation. You don’t have to worry about anything else except waiting for your graduation, walking up on stage, and receiving the diploma you’ve been waiting for," pagbibigay alam nito sa magandang balita para sa kanila. Nang marinig nila iyon ay nagpalakpakan silang lahat. Bawat labi ay may napakagandang ngiti. Gaya niya, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya sa narinig na magandang balita dahil solve na ang problema niya. At lihim din niyang pinasalamatan ang taong may magandang puso na sumagot sa babayarin nila. At pinagdasal niya na sana ay magkaroon panito ng maraming blessing. Hindi naman nagtagal ay meeting dahil dinismiss na sila nito. Nagsitayuan naman silang lahat para lumabas ng gymnasium. Tiningnan naman ni Beatrice ang wristwatch na suot. Mabilis lang natapos ang meeting at kung pupunta siya ng cafeteria ay maabutan pa niya si Paula doon. Kaya pagkalabas ng building ay agad siyang dumiretso ng cafeteria kung nasaan ang kaibigan. At tama siya dahil nakita niya si Paula na abala sa pagkain. At bago siya lumapit dito ay bumili muna siya ng makakain. At dahil siya ang bumili ay iyong budget meal lang. "Oh, tapos na ang meeting?" tanong ni Paula nang makita siya nitong umupo sa harap nito. "Oo," sagot niya. "Anong pinag-meetingan niyo?" Hindi naman napigilan ni Beatrice ang mapangiti. "May magandang puso na sumagot sa babayarin namin sa nalalapit na graduation, Paula," sagot niya. Napansin naman niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito sa sinabi niya. "Really?" She nodded in response. "Mabuti naman. Wala na kayong po-problemahin," komento nito. "Salamat sa taong iyon," wika naman niya. "Hindi ba nagpakilala?" Umiling si Beatrice. "Ayaw magpakilala, eh. Gusto lang daw niyang tumulong," sagot niya. Tumango-tango naman si Paula. Pagkatapos niyon ay pinagpatuloy na nito ang pagkain. At akmang kakain na din siya ng mapatigil siya nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya na nasa loob ng bag niya. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso habang nakatitig siya sa screen ng cellphone. Saglit nga din siyang nakatitig do'n hanggang sa napagpasyahan niyang sagutin ang tawag nito. "H-hello?" "Beatrice." Pinagdikit ni Beatrice ang labi nang marinig niya ang baritonong boses nito na tinawag ang pangalan niya. "Napatawag ka, Brandon?" Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na natigilan si Paula, napansin nga din niya ang pag-angat nito ng tingin sa kanya. At nang mag-angat siya ng tingin sa kaibigan ay napansin niya na titig na titig ito. Something was in her eyes, but he couldn’t put a meaning to it. "You didn't reply to my message," wika nito sa kanya. Bahagya naman niyang kinagat ang ibabang labi. "Pasensiya na, Brandon. Wala...kasi akong load," sagot niya na namumula ang pisngi, nahihiya kasi siyang sabihin iyon dito. "Oh," sambit nito. "Ang akala ko ayaw mo akong maka-text," wika nito. Umiling naman siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Hindi naman sa ganoon. Wala lang talaga akong load," wika niya. "Pasensiya na." "It's okay," sagot nito sa kanya. "Pero kapag may load ka, magre-reply ka?" "Oo naman," mabilis naman niyang sagot. "That's good to hear," sagot nito sa kanya. "Anyway, what are you doing?" "Kumakain ng lunch," sagot niya. “Oh, just finish your food first, Beatrice. I’ll call you again later.” "Okay," sagot naman niya. Pagkatapos ay ibinaba niya ang tawag. "It's that, Brandon?" tanong ni Paula sa kanya mayamaya. Tumango naman siya. Bigla nga din niyang naalala ang nabanggit sa kanya ni Brandon na kinukuha daw nito ang numero niya dito. "Nabanggit sa akin ni Brandon na kinukuha daw niya ang numero ko sa 'yo?" May napansin si Beatrice na kakaibang bumalatay sa ekspresyon ng mukha nito pero hindi lang niya mabigyan ng kahulugan kung ano iyon. "Oh, I forgot to tell you," paghingi nito ng paunmanhin sa kanya. "Nagkita...kayo?" "Kagabi," sagot niya kay Paula. Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito. "Bumalik si Brandon sa coffee shop kagabi," paliwanag niya "He...did?" Tumango siya. "Nagulat nga ako nang matapos ang out ko ay nandoon siya. Hinatid na din niya ako sa apartment." Hindi naman na nagbigay komento si Paula sa sinabi niya, sa halip ay itinuon nito ang atensiyon sa pagkain. At akmang ibabalik din niya ang atensiyon sa pagkain nang mapatigil ng tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. At nang tingnan niya ang cellphone ay ganoon na lang panlalaki ng mga mata nang makitang may nag-load sa kanya. And it was worth one thousand pesos of load. Mukhang may nagkamali na load-an siya. Naghintay naman siya na baka may mag-text o tumawag sa kanya na ibalik ang load. Pero nanlaki na naman ang mata ni Beatrice nang may matanggap siyang text message kay Brandon. You have load now. You can reply to my message. Wala pa lang nagkamali. Dahil ni-load-an siya ni Brandon. And for what? For her to reply to his message!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD