Chapter 11

1715 Words
NAPATINGIN si Beatrice sa cellphone nang tumunong ang ringtone niyon. At nang kunin ang cellphone para tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Paula iyon. Sinagot naman niya ang tawag nito. "Hello?" “Beatrice, I’m on my way to your apartment. Nakabihis ka na ba?" "Oo," sagot nama niya. "Okay. I call you again kapag nasa labas na ako ng apartment mo." Nang sabihin iyon ni Paula ay ibinaba na nito ang tawag. Nagyaya kasi ang kaibigan na magpunta nang bar. Ayaw sana niya dahil gusto niyamg magpahinga pero pinilit siya nito. Gusto daw kasi nitong mag-unwind. At hindi ito papayagan ng magulang kung hindi siya kasama. Kaya kahit na gusto niyang magpahinga sa apartment ay wala na siyang nagawa kundi pumayag na lang kay Paula. Tumayo naman si Beatrice mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Pagkatapos ay lumapit siya sa full lenght mirror para tingnan ang sarili. She was wearing tight blue jeans and a white sleeveless top. Her sleeveless top was tucked in, exposing her small waist. Hinayaan nga lang din niyang nakalugay ang itim na buhok niya. Light make up lang din ang inilagay niya sa mukha. Bigay pa iyon sa kanya ni Paula noong nakaraang buwan para daw may magamit siya, para hindi daw puro powder lang ang inilalagay niya sa mukha. At makalipas ang ilang sandali ay nakatanggap muli siya ng tawag mula kay Paula, naroon na daw ito sa labas. At nang malaman iyon ay agad siyamg lumabas ng apartment. Nakita mga niya ang pamilyar na kotse nito sa labas. Sinarado naman niya ang pinto at saka siya humakbang palapit sa kotse nito, dumiretso na siya sa gawi ng passenger seat. Binuksan niya iyon at sumakay na. "Hi," nakangiting bati ni Paula nang magtama ang mga mata nila. "Hi," bati din niya dito. At mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mapansin ang paninitig nito sa kanya. She scanned her from head to toe, napansin nga din niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. "What?" tanong niya kay Paula. “I’m glad you decided to wear makeup," wika nito sa kanya. "And why?" Isang naglalarong ngiti lang naman ang isinagot ni Paula sa kanya. "Alis na tayo," mayamaya ay wika nito. Pinaandar naman na nito paalis ang kotse. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa bar na pupuntahan. Nang ma-ipark ni Paula ang kotse sa parking lot ay binuksan na nito ang pinto, ganoon din ang ginawa niya. At saka siya lumabas ng kotse. Sabay naman na sila ni Paula na pumasok sa loob ng nasabing bar. Pagpasok ay ingay ng tugtugin agad ang narinig niya. Hindi naman ito ang unang beses ni Beatrice na nakapasok siya sa bar. Nakailang beses na at sa tuwing nagpupunta siya ay kasama niya lagi niya si Paula. Ito kasi ang madalas nagyaya sa kanya na magpunta do'n kung gusto nitong mag-unwind. Napatingin naman si Beatrice kay Paula nang makita niya ang paglinga-linga nito sa paligid. Parang may hinahanap hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya at ang paghila nito sa kanya. At mayamaya ay napakunot na naman siya ng noo nang makitang palapit sila sa isang lalaking nakaupo sa isang mesa. At nang mapatitig siya sa lalaki ay napansin niya na parang pamilyar ang mukha nito sa kanya. Parang nakita na niya iyon, hindi lang niya maalala kung saan. At bago sila tuluyang makalapit ay tumigil siya sa paglalakad dahilan para mapatigil din si Paula. "Why?" tanong nito sa kanya. "May kasama tayo?" tanong niya. Akala kasi niya ay sila lang dalawa doon, wala kasing sinabi si Paula na may kakatagpuin sila doon. Nakangiting tumango naman ito. "He's Vince," pagpapakilala nito sa lalaki. “Remember the guy at the party? The one who was with Brandon?” pagpapalala sa kanya ni Paula. Inalala naman niya ang sinabi nito hanggang sa maalala niya ang mga kasama ni Brandon noong gabing iyon. Iyong lalaking bumati sa kanya at iyong lalaking sinabihan siyang maganda. "Nakita kasi niyang nagkausap tayo noong gabing iyon. At tinanong niya ako kung kilala ba kita. And of course, I told him I’m your best friend,” she said proudly. “And it seems like he’s interested in you, because he keeps asking me about you. Gusto nga din niyang makilala kang mabuti," dagdag pa na wika nito. Bubuka sana ang bibig ni Beatrice para magsalita nang mapatigil siya ng hinila na siyang muli ni Paula palapit sa kinaroroonan ng lalaki. At mukhang naramdaman naman nito ang presensiya nila dahil nag-angat ito ng tingin sa kanila. At nang makita silang palapit ay awtomatiko na ngumiti ito, tumayo nga din ito mula sa pagkakaupo nito. "Vince," wika ni Paula nang makalapit. "Paula," nakangiting wika naman ng lalaki sa kaibigan. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. At nang makita siya ay mas lalong sumilay ang ngiti sa labi nito. "Hi," bati nito sa kanya. At dahil ayaw niyang magmukhang suplada ay gumanti din siya ng ngiti. “We’ve already met before at the party. I was with Brandon.” mayamaya ay wika nito sa kanya. “I didn’t have the chance to properly introduce myself to you back then.” Napatingin naman si Beatrice kay Paula nang marinig niya ang paghagikhik nito, pinandilatan naman niya ito ng mga mata nang makita niya na parang kinikilig ito. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Vince. "Anyway I'm Vince Diaz," pagpapakilala nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay inilahad nito ang kamay sa kanya. Tumaas naman ang isang kamay niya para tanggapin ang pakikipagkamay nito. "Beatrice," maikling pagpapakilala niya. "Nice to meet you, Beatrice," wika ni Vince nang pisilin nito ang kamay na hawak. "Nice to meet you din, Vince," wika niya nang bitiwan niya ang kamay nito. “Have a seat, both of you," mayamaya ay wika naman nito sa kanila. Umupo naman siya sa harap ni Vince. At nang-angat siya nang tingin nang mapansin na hindi pa din umuupo si Paula sa tabi niya. "Restroom lang ako," wika nito sa kanya. "Pero-- Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng tumalikod ito at humakbang na paalis. Naiwan naman sila ni Vince do'n. "So, how are you, Beatrice?" mayamaya ay tanong ni Vince sa kanya. "Okay lang naman," sagot naman niya kay Vince. "Ikaw?" "I'm fine," sagot nito. "Lalo na ngayon," dagdag pa na wika nito habang titig na titig sa kanya. Pasimple naman niyang iniwas ang tingin sa lalaki dahil naasiwa siya sa titig nito. “You’re an architecture graduate, right?” tanong nito sa kanya. "Yes," sagot naman niya kay Vince. "I'm an architect, too," wika nito. Doon naman nakuha ni Beatrice ang interest sa sinabi niya. "Really?" “Yes. And I work at Dawson Engineering and Architectural Firm,” pagmamalaki nito. Hindi naman niya napigila ang panlalaki ng mga mata. Dawson Engineering ans Architectural firm is the leading firm in the country. Doon nga niya balak mag-apply kapag naka-graduate siya. “That’s the company I’ve always dreamed of working for," wika niya. “Really? I can put in a good word for you with HR if you apply there,” wika nito sa kanya. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita nang mapatigil ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. “Excuse me, Beatrice. I’ll take this call,” wika nito sa kanya. Nang tumango siya ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito at umalis para sagutin ang tumatawag dito. Nang maiwang mag-isa ay kinuha naman niya ang cellphone para i-text si Paula na alam niyang alibi lang nito ang pagpunta sa restroom para magkaroon sila ng time na dalawa ni Vince. She knew what was on Paula’s mind, she wanted her to meet Vince. Come back here, or else I won’t talk to you. Nang ma-type niya iyon ay agad niyang senend kay Paula. At kasabay nang pag-send niya doon ay natanggap naman siya ng text message kay Brandon. Hi. Basa ni Beatrice sa text message ni Brandon. Agad naman siyang nag-reply dito. Nakakahiya naman kung hindi siya magre-reply, eh, galing dito ang load niya. Sinubukan ngang ibalik ang load dito pero ibinabalik ulit iyon sa kanya ni Brandon. Kaya wala na lang siyang nagawa kundi tanggapin iyon. Hello. Wala pang ilang segundo nang makatanggap siya ng reply dito. How are you? Okay lang naman. Ikaw? I’m fine. I’m still here at the office. Kumunot naman ang noo niya. Working overtime? Yeah. Lots of work. Perks of being in a leading company too, always busy. What about you? What are you doing? Sinabi naman niya kung ano ang ginagawa at kunt nasaan siya. Pagka-send nga niyang iyon ay ang pagbalik ni Paula sa mesa nila Pasimple naman niyang inirapan si Paula ng ngitian siya nito. Napatingin naman siya sa cellphone nang marinig niya ang pagtunog niyon. What are you doing there? At sino kasama mo. Paula and Vince. Vince? "Where's Vince?" mayamaya ay tanong ni Paula dahilan para maudlot ang akmang pag-reply niya kay Brandon. "May kinausap lang," sagot niya dito. Pagkatapos niyon ay ibinalik niya ang tingin sa cellphone para reply-an si Brandon. You're friend. Kasama ni Paula. "So, how's Vince, Beatrice." "He's nice," sagot niya dahilan para sumilay ang ngiti sa labi nito. "May pag-asa naman?" "What?" "He's into you, Beatrice. Gusto ka nga niyang ligawan." Hindi na niya nagawang sumagot sa tanong nito ng muling tumunog ang cellphone niya. What bar are you at? Itinipa naman niya kung nasaan sila. Hindi pa niya iyon nase-send nang magsalita si Paula. "Who are you texting?" tanong nito. "Si Brandon," sagot niya. Napansin naman niya ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha nito pero nang minsang pagkurap ay nawala na iyon. "Oh, nandiyan na si Vince. Stop texting," wika sa kanya ni Paula nang makita nitong parating na si Vince. At bago naman niya ilagay ang cellphone sa loob ng bag ay senend niya kay Brandon ang reply niya. At sumunod na sandali ay nag-usap naman silang tatlo. At dahil pare-pareho sila ng passion ay iyon ang pinag-uusapan nilang dalawa. At mayamaya ay napatigil sila sa pag-uusap nang may nagsalita sa harap nila. Sabay-sabay naman silang nag-angat ng tingin. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung sino ang nakatayo sa harap. At ang unang nakabawi ay si Paula nang magsalita ito "Brandon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD