"WHAT are you here, Brandon?" Mayamaya ay tanong ni Vince kay Brandon nang makabawi din ito sa pagkabiga.
Sa halip naman na sagutin ni Brandon si Vince ay nanatili lang na seryoso ang tingin nito sa lalaki. At pagkatapos niyon ay inilipat nito ang tingin sa kanya.
At hindi mapigilan ni Beatrice ang mapaawang ang labi nang magtama ang mga mata nila.
His intense gaze was locked on her. “I want to unwind," sagot nito sa tanong ni Vince pero sa kanya naman nakatingin.
Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo. Unwind? Akala ba niya busy ito sa opisina kaya nga nagwo-work ito ng overtime.
So, why is he here? O, baka naroon ito dahil gusto nitong mag-unwind dahil napapagod ito sa kaka-trabaho.
Siguro iyon ang dahilan ni Brandon kung bakit ito naroon dahil suot pa nga nito ang puting long sleeves nito at nakasampay sa braso ang itim na coat.
At mayamaya ay nagulat na lang si Beatrice nang tumabi ng upo si Brandon sa tabi niya. May bakanteng upuan pa sa tabi ni Vince pero siniksik pa nito ang sarili sa pwesto nila.
Pinagdikit nga din ni Beatrice ang labi nang magdikit ang mga balikat nilang dalawa ni Brandon. At dahil nakasuot siya ng sleeveless ay naramdaman niya ang init na nagmula sa katawan ni Brandon, pakiramdam nga din niya na tumaas ang lahat ng balahibo niya sa katawan.
Mayamaya ay sumulyap sa kanya si Brandon sa kanya. "Sorry," wika nito sa kanya sa baritonong boses.
"Okay lang," sagot naman niya sa lalaki.
At mayamaya ay inalis ni Beatrice ang tingin sa lalaki nang maramdaman niya ang pagkalabit ni Paula sa kanya.
"Usog ka dito," wika nito sa kanya, nakita pa nga niya ang pag-usog nito. At nang hindi pa nga siya kumikilos ay hinila siya nito para umusog at para hindi niya masiksik si Brandon.
"So, how are you, Brandon?" mayamaya ay tanong ni Vince sa lalaki.
"I'm fine," sagot niya. “So why are you here too?” mayamaya ay tanong ni Brandon kay Vince.
Ngumiti naman si Vince ng sumulyap ito sa kanya. “Well, I asked Paula if I could meet her friend. I wasn’t able to properly introduce myself that night because she had already left," sagot nito kay Brandon.
Mula naman sa gilid ng mga mata niya ay napansin niya ang pag-igting ng mga panga ni Brandon. "Mabuti na nga lang at pinaunlakan niya ang imbitasyon ko noong imbitahan ko sila dito," dagdag pa na wika nito.
Hindi naman napigilan ni Beatrice ang mapakunot ng noo nang marinig niya ang sinabi nito kay Brandon.
Pinaunlakan ang imbitasyon? Eh, wala nga siyang kaalam-alam na may kasama sila ni Paula sa bar. Akala niya ay sila lang dalawa ang naroon dahil ang sabi ng kaibigan ay gusto lang nitong mag-unwind.
"Beatrice."
Mayamaya ay napatingin siya kay Paula nang marinig niya ang pagtawag nito sa atensiyon niya. "Bakit?"
"Samahan mo ako."
"Saan?"
"Sa restroom," sagot nito.
"Kagagaling mo lang doon, hindi ba?"
"Oo. Pero hindi ako naka-cr kasi mahaba ang pila," sagot na nito sa kanya. Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito dahilan para makuha ng dalawang lalaki ang atensiyon ng mga ito.
“Excuse us, gentlemen. We’re just going to the restroom," wika ni Paula dito.
At dahil nakaupo sila sa couch ay madadaanan niya ang pwesto ni Brandon.
"Excuse me," wika niya. Pero sa halip na tumayo si Brandon ay isinandal lang nito ang likod sa headrest ng couch para makadaan siya ng maayos. So, no choice siya kung hindi dumaan sa pagitan ng tuhod nito at sa mesa.
Muntik na nga siyang mapatid sa paa nito, mabuti na lang at maagap nitong nahawakan ang kamay niya.
Napaawang ang labi ni Beatrice nang maramdaman niya ang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan niya.
"Careful," wika nito sa kanya sa buong-buong boses.
Sinulyapan naman niya ito at agad na nagtama ang itim na mga mata nito. "T-thank you," wika niya dito.
Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na siya sa paghakbang, nakasunod naman si Paula sa kanya.
Sabay naman na silang nagtungo sa restroom at mukhang wala nang pila dahil pagdating nila sa restroom ay nakapasok sila agad sa loob.
Humakbang naman si Paula sa harap ng salamin. Inilapag nito ang bag nito at kinuha doon ang pulang lipstick nito.
"Ano iyong sinasabi ni Vince kanina, Paula? Anong imbitasyon niya na pinaunlakan ko?" tanong niya dito.
"Just don't mind him, Beatrice," wika nito habang pinagpatuloy nito ang pagli-lipstick. "Anyway, sinabi mo ba kay Brandon na kasama natin si Vince?" mayamaya ay tanong ni Paula sa kanya.
"Tinanong niya kung ano ang ginagawa ko. At binanggit ko na nasa bar tayo," sagot niya dito. "At tinanong ulit niya kung sino ang kasama natin. Kaya sinabi ko na kasama natin si Vince."
“Did he ask you which bar we’re going to?”
Tumango naman si Beatrice bilang sagot. "Nagulat nga ako nang makita ko siya dito. At sabi kasi niya busy siya kasi madami daw siyang trabaho sa opisina," dagdag pa na wika niya.
Hindi naman nagkomento si Paula. "Why?"
"Nothing," sagot nito sa kanya.
Tahimik naman na itong tinapos ang ginagawa. At pagkatapos niyon ay nagyaya na itong lumabas ng restroom para bumalik sa mesa nila.
Nauna namang umupo si Paula at umupo ito sa tabi ni Brandon.
At akmang uupo sa dating pwesto ni Paula nang mapatigil nang magsalita si Vince.
"You can sit here, Beatrice," wika nito sa kanya.
Tinapik nga nito ang bakanteng espasyo sa tabi nito. Sinunod naman niya ito dahilan para mas lumawak ang ngiti sa labi nito.
At nang tumingin siya sa kanyang harapan ay napamaang na lang siya nang makita niya ang seryosong eskpresyon ng mukha ni Brandon habang nakatingin ito kay Vince.
"Anyway, we ordered drinks," mayamaya ay wika nito. "Do you drink, Beatrice?" tanong ni Vince sa kanya.
Tumango lang naman siya bilang sagot. “Don’t worry, we ordered ladies’ drinks for you and Paula," wika naman ni Brandon.
Mayamaya ay dumating na din ang inumin nila. Inabutan naman sila ni Vince ng tig-isang bote.
"Thank you," wika naman niya.
At nang makita niya ang pag-inom ni Paula sa inabot ni Vince na alak dito ay uminom na din siya sa hawak.
“So, let’s head to the dance floor. Let’s dance ” mayamaya ay wika ni Vince.
Tumayo nga din ito mula sa pagkakaupo nito. “Come on, Beatrice," yaya nito sa kanya.
Sa halip na sagutin ay tumingin siya kay Brandon na seryoso pa ding ang ekspresyon.
"Pagbigyan mo na, Beatrice," udyok naman sa kanya ni Paula.
At nang ilahad nito ang kamay sa harap niya ay wala na siyang nagawa kundi tanggapin iyon.
"Will you excuse us," wika ni Vince. Pagkatapos ay dinala siya nito sa gitna ng dance floor.
Binitiwan naman niya ito nang makarating sila sa gitna. At dahil hindi naman love song ang tumutugtog ay hindi niya kailangan humawak sa balikat nito.
"Do you know how to dance?"
At dahil maingay ang tugtugin at ang sigaw ng ilang party goers ay hindi niya masyado narinig ang sinabi nito.
"Ha?"
Nakangiting inilapit naman ni Vince ang mukha sa tainga at inulit ang sinabi.
"Medyo," sagot lang naman niya.
"It's okay. You just sway your hips like this." Napangiti naman siya nang makita niya ang ginawa nito.
At mayamaya ay napatingin siya sa kanyang gilid nang maramdaman niya ang pagtabi nina Brandon at Paula. Nakita niyang nakangiti si Paula, samantalang seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha ni Brandon.
Nagpatuloy naman sila sa pagsasayaw. Tinuturuan siyang magsaway ni Vince at ginagaya niya.
At makalipas ng ilang sandali ay naghiyawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng dance floor nang biglang nag-iba ang tugtog na pumapainlanglang sa bulwagan.
Naging love song iyon. "Oh," sambit naman niya.
At akmang itataas ni Vince ang kamay para humawak sa baywang niya nang mapatigil ito nang magsalita si Brandon.
“Let’s switch partners, Vince.” Brandon said in a deep, baritone voice.