SINUNDAN na lang ni Brandon ng tingin ang papalayong pigura ni Beatrice at ni Paula habang palabas ang mga ito ng gate. "Brandon?" Mayamaya ay inalis niya ang tingin sa mga ito at inilipat niya iyon sa kakilala na sumalubong sa kanya kanina ng akmang ihahatid niya sina Beatrice sa labas ng mansion. "Yes, Mr. Zabala?" tanong naman niya sa lalaki ng magtama ang mga mata nila. “Well, I’m interested in doing business with you," nakangiting wika nito sa kanya. Tumango naman siya dito. “Visit my office, and let’s talk business," sagot naman niya dito. “My secretary will contact you to schedule an appointment," dagdag pa na wika niya. Ngumiti naman ito sa kanya. "Okay. I'll wait for the call," sagot naman ni Mr. Zabala sa kanya. Tumango naman siya sa bilang sagot. Nag-excuse na nga

