"Just take your time, Brandon," wika naman niya dito. Baka kasi wala pang limang minuto ay balikan na naman siya nito. Eh, halos ayaw na nitong umalis sa tabi niya. Nahihiya na nga siya dahil sa halip na estimahin nito ang mga bisita ay nakadikit lang ito sa kanya, para ngang siya lang ang bisita nito dahil siya lang ang ini-istima nito. Saktong pagkaalis nina Brandon ay ang paglapit din ni Paula sa kanya. "Where's Brandon?" tanong ni Paula sa kanya. "Tinawag siya no'ng kakilala niyang si Simoun," sagot naman niya kay Paula. Napansin naman niya ang pagtagos ng tingin nito sa likod niya. “Even if he’s busy talking to his friends, his attention is still on you," wika ni Paula habang nakatingin pa din ito sa likod niya. “He kept glancing at you.” Sa sinabi ni Paula sa kanya ay sumulyap

