"Aw," daing niya nang tumama ang ilong sa matitipunong dibdib nito. Naramdaman niya ang pag-ikot ng kamay ni Brandon sa baywang niya. Naramdaman nga din niya ang pagsilip nito sa mukha niya. "Are you okay?" tanong nito sa kanya. Nag-angat naman siya ng tingin kay Brandon para masagot ang tanong nito. At ganoon na lang ang gulat ni Beatrice nang pag-angat niya ng tingin ay saktong nagdikit ang labi nito sa tungki ng ilong niya. Nakayuko pa din kasi ang lalaki habang sinisilip ang mukha niya ng tumingala siya. At kitang-kita din ni Beatrice ang gulat na bumalatay sa ekspresyon ng mukha ni Brandon sa nangyari. At akmang ilalayo niya ang sarili dito nang may bumunggo muli sa likod niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya dahil hindi na lang sa sa tungki ng ilong niya dumi

