GANOON na lang ang gulat ni Beatrice nang makita niya si Vince sa labas ng university nila. Nakita niyang nakasandal ito sa hamba ng kotse nito at kapansin-pandin nga din ang hawak nitong isang bugkos ng bulaklak. Hindi pa nito napapansin ang presensiya nila dahil nakayuko ito. At napansin nga din ni Beatrice ang ilang estudyanteng napapatingin sa gawi nito. Gwapo din naman kasi si Vince. “Anong…ginagawa ni Vince dito?” tanong niya kay Paula. “Ano pa, eh, ‘di manliligaw,” nakangiting sagot naman nito. At mayamaya ay nanlaki ang mga mata ni Beatrice ng hawakan ni Paula ang kamay niya at hinila siya nito palapit sa kay Vince. “Teka.. “Vince!” Hindi na natapos ni Beatrice ang ibang sasabihin nang tawagin ni Paula ang atensiyon ng lalaki. At mukhang narinig ni Vince ang pagtawag ni

