Tahimik lang naman si Bestrice, nag-iisip siya kung paano niya sasabihin kay Vince na huwag na nitong ituloy ang panliligaw sa kanya. At mayamaya ay hininto nito ang sasakyan. At nang sumilip siya kung nasaan sila ay nakita niyang dinala siya nito sa isang Korean Restuarant. “Are you fond of Korean food?” tanong nito sa kanya. "Okay lang," sagot naman niya. Kumakain naman siya ng korean food pero hindi bihira lang dahil gaya ng sinabi niya ay sa kaya ng budget lang siya kumakain. Nakakakain lang siya doon kung may nanlilibre. Bumaba naman na si Vince ng kotse pero bago pa ito makalapit sa gawi niya ay binuksan na niya ang pinto at bumaba na do'n. Napansin naman niya na natigilan ito nang makita siyang nasa baba na. "Tara?" yakag nito sa kanya. At nang tumango siya ay humakbang

