Chapter 24-2

1049 Words

At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi. Pasimple nga din niyang iniwas ang paningin dito. “B-balik na ako doon,” wika niya. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ito dahil umalis na siya sa harap nito. Nag-iinit pa din ang pisngi nang bumalik siya sa pwerto. Pagbalik nga niya ay agad siyang nilapitan ng ka-trabaho at tinanong ulit tungkol sa lalaki. Kunting impormasyon lang naman ang sinabi niya. At hindi din niya sinabi na manliligaw niya ito, saka na lang siguro. Masyado na din mabilis ang oras dahil nang muli niyang tingnan ang wristwatch na suot ay nakita niyang alas diyes na. Napatingin nga din siya sa gawi ni Brandon at nakita niyang wala na ito doon. “Lumabas na iyong gwapong lalaki,” may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD