NANLAKI ang mga mata ni Beatrice nang makita niya kung sino ang pumasok sa loob ng coffee shop ng gabing iyon. At hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso habang sinasalubong niya ang titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Ang lalaki kasing pumasok sa loob ng pinagta-trabahuan ay walang iba kundi si Brandon. It was her first time seeing him wearing a T-shirt. She was used to seeing him in long sleeves. And right now, he looks damn hot. At mula sa gilid nang mga mata ni Beatrice ay napansin niya ang ilang customer na napapalingon sa gawi ni Brandon. At hindi lang mga customer, pati ang dalawang babaeng ka-trabaho niya sa coffee shop ay nakatingin na sa lalaki. Inalis naman niya ang tingin kay Brandon at inilipat niya iyon sa wristwatch na suot. At nakita niyang ala

