Chapter 23

1267 Words
NANG humakbang si Beatrice, agad naman sumunod si Brandon sa kanya, umagapay agad ito sa paglalakad niya. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa sinasabi niyang isang Rolling Mamihan, napansin nga niya na may ilang customer na si Manong. Lumapit naman siya may Manong na may-ari ng rolling Mamihan. "Kuya, isang order po," wika niya. "Take out?" Gusto sana ni Beatrice na doon na lang kainin pero mas lalong magagabihan si Brandon kaya naisip niyang i-take out na lang iyon at sa apartment na lang kakainin. At bubuka sana ang labi ni Beatrice nang mapatigil siya nang maramdaman niya ang presensiya ni Brandon sa tabi niya. Nag-angat naman siya ng tingin patungo dito. "Bossing, kakain ka din?" mayamaya ay tanong ni Manong kay Brandon. "Yes. One order, please." Nanlaki naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig ang sinabi. "Kumakain ka ng mami?" Bumaba naman ang tingin nito sa kanya nang marinig nito ang tanong niya. "Yes. Pero hindi ko pa na-i-experience na kumain sa ganito," sagot nito sa kanya. Perks of being rich. "Maupo na kayong dalawa. At isi-serve ko na lang ang oder niyo sa mesa," wika sa kanila ni Manong. "Dagdagan niyo na lang din po ng dalawang itlog iyong order namin. At saka bottled water din po," wika niya dito. Pagkatapos niyon ay niyaya niya si Brandon na umupo sa mesa. "Okay lang ba?" tanong niya kay Brandon nang makaupo sila. Tumingin naman ito sa kanya. "Okay lang ba na kumain ka dito? Hindi ba maarte iyang tiyan mo?" Muli niyang tanong ng magtama ang mga mata nila. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. "What do you mean?" "Hindi... ka sanay na kumain dito," sagot niya sa mahinang boses, hindi niya masabi na baka sumakit ang tiyan nito. "You don't have to worry about me, Beatrice. Kahit na hindi ako sanay sa ganito ay sigurado akong hindi sasakay ang tiyan ko." Bubuka sana ang labi niya ng mapatigil siya ng ilapag na ni Manong ang order nila. "Thank you po," sagot niya. Kinuha naman ni Beatrice ang kutsara at pinunasan iyon gamit ang tissue. At pagkatapos ay inabot niya iyon kay Brandon. "Thanks," wika naman nito ng tanggapin nito ang inaabot niya. Pinunasan din niya ang kanya. Pagkatapos ay kumuha siya ng calamansi at inilagay niya iyon sa Mami niya, kumuha nga din siya ng chili garlic oil para lagyan ang Mami niya. Nag-angat naman siya ng tingin nang maramdam niya ang paninitig ni Brandon at do'n niya napansin na pinapanuod nito ang ginagawa niya. "Mahilig ka sa mahanghang?" tanong niya. Tumango naman ito bilang sagot. "Lagyan ko?" "Sure," sagot nito. Nilagyan naman niya ng chili garlic oil ang mami nito. "Kain ka na," wika niya. "Ikaw din," wika din nito sa kanya. Tumango naman si Beatrice. At pagkatapos ay nagsimula na siyang kumain, ganoon din si Brandon. "It's taste good," komento nito dahilan para mapangiti siya. "Lagi ka ba dito?" mayamaya tanong sa kanya ni Brandon. "Kapag wala lang pagkain sa apartment, dito na ako madalis dumaan para kumakain," sagot niya. Tumango-tango naman si Brandon. "But seriously, Beatrice. Hindi maganda ang magpalipas ng gutom," wika nito sa kanya. "You should eat on time," dagdag pa na wika nito. "Hindi naman palagi. Kapag busy lang sa coffee shop," sagot niya. "Don't do it again," wika nito sa kanya, mababakas sa boses nito ang concern. Tumango lang naman siya bago niya iniwas ang tingin dito. Nahihiya kasi siyang salubungin ang tingin nito, lalo pa at hindi na niya kayang pigilan ang ngiting gustong sumilay sa labi niya. Tahimik naman silang dalawa na kumain. Hangang sa matapos sila, napatingin nga siya sa mangkok ng lalaki at nakita niyang naubos nito iyon. Nag-angat siya ng tingin at napansin niya ang pawis sa noo nito. Kaya agad niyang kinuha ang bag, binuksan niya iyon at kinuha ang panyo niya. Pasimple nga niya iyong inamoy at nang maamoy na mabango naman ay inabot niya iyon kay Brandon. "Here," wika niya dito. Napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa panyong inaabot niya. "Pinagpapawisan ka. Gamitin mo muna para punasan ang pawis sa noo mo," wika niya dito. At nang hindi pa ito kumikilos ay muli siyang nagsalita. "Malinis at mabango ito. Hindi ko pa nagagamit." "Wala naman akong sinasabi," wika ni Brandon bago nito tinanggap ang panyo niya. Pagkatapos niyon ay ginamit nito iyon para punasan ang noo at leeg na din nito. At nang matapos ay inilagay nito iyon sa bulsa ng suot na pantalon. "Bukas ko na lang ito ibabalik, Beatrice. Lalabhan mo muna," wika nito sa kanya. "Ako na lang maglalaba, Brandon," wika niya. "Ako na, Beatrice. Ibabalik ko din sa 'yo bukas," wika nito sa kanya. "Ako--bukas?" mayamaya ay wika niya nang mag-sink in ang sinabi nito. Magkikita sila ulit bukas? "I'll pick you up again tomorrow," wika nito sa kanya. "Hindi na," sagot niya. Napansin naman niya na saglit itong natigilan, napansin nga din niya ang pagtusok ng dila nito sa ilalim ng cheeks nito. “Is that your answer to my question again?” Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito. "Ha?" “About courting you, Beatrice. Are you going to turn me down?” Bumuka-sara naman ang labi nito sa sinabi niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Hindi pa nga siya nakakapagsalita nang mapatigil nang magpatuloy si Brandon sa pagsasalita. “You didn’t reply to my messages, and I tried calling you but couldn’t reach you. It seems like you’re ignoring my calls and texts," wika sa kanya ni Brandon. "Mukhang mas lamang si Vince sa akin." Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito pero nang makabawi ay mabilis siyang umiling. "I'm...not ignoring your text and call, Brandon," sagot niya. "Hindi ako nakakareply sa 'yo dahil nawala ang cellphone ko," sagot niya. Napansin naman niya ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha niyo. “You mean your phone got lost, that’s why you didn’t reply to my texts? Not because you were ignoring me?” "Opo," sagot naman niya. "Oh," sambit namamn ni Brandon, napansin niya ang kislap sa mga mata nito. “I honestly thought you were ignoring me…” wika sa kanya ni Brandon. "Hindi," sagot naman niya. Brandon stared at her intently, and she suddenly felt a bit self-conscious under his gaze. "So pwede na ba akong magsimulang manligaw?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi nito. Iba pa din pala ang pakiramdam kapag sinasabi iyon ng personal. Pakiramdam niya ay gusto na magwala ang puso sa loob ng ribcage niya. “You’re picking me up from work already? Hindi ka pa pa ba nag-uumpisang manligaw noon?" "Of course, I want--what did you say?" tanong nito sa kanya. "Ang sabi ko ay sinusundo mo na ako. Hindi pa ba panliligaw iyon?" tanong niya. Napansin niya ang pagkislap ng mga mata ni Brandon. "You mean?" "Oo," wika niya. "Pumapayag akong manligaw ka," dagdag pa na wika nito. At napatitig si Beatrice kay Brandon nang makita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. “Damn. Hearing you say yes just to let me court you already makes me happy. How much more if I hear you say ‘yes’ when you finally accept me? I think I’d be the happiest man in the world, Beatrice," wika nito sa kanya. Ngumiti lang naman siya kay Brandon. “Thank you, Beatrice for giving me the opportunity to court you. I promise I’ll show you just how sincere I am, and how much you mean to me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD