Chapter 22

857 Words
BINUKSAN ni Beatrice ang locker niya at kinuha mula do'n ang paperbag na naglalaman ng uniform niya sa coffee shop kung saan siya nagpa-part time. Pagkatapos niyon ay binitbit na niya iyon at mabilis na siyang lumabas sa locker room dahil minamadali na siya ni Paula. Paglabas ay agad na humakbang si Paula palapit sa kanya. "Let's go?" yakag nito sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot. Humakbang na sila para umalis ng university dahil wala naman na silang gagawin na dalawa do'n. At nag-presenta pa nga si Paula na ihatid siya sa pinagta-trabahuan. Tumanggi siya dahil out of way ito sa pinagta-trabahuan, pero masyadong makulit si Paula kaya wala na siyang nagawa kundi payagan ito sa gusto. May imi-meet din daw kasi ito sa malapit sa pinagta-trabahuan kaya hindi daw siya nakakaabala. At nang mapansin ni Paula na ang bagal niyang maglakad ay hinawakan siya nito sa kamay ay hinila na siya para bilisan niya ang paglalakad, mukhang nagmamadali nga. "Mali-late ka na ba sa meeting mo?" tanong niya dito, halos kaladkarin na kasi siya nito. At habang nasa locker room nga siya ay naririnig niya ang boses nito, na bilisan niya ang kilos. Mukhang may pupuntahan ang kaibigan. "Oo. Naroon na daw ang ka-meeting ko," sagot nito sa kanya. So nasagot ang tanong niya kung bakit napansin niya na nagmamadali ito. "Oh," sambit naman ni Beatrice, pagkatapos ay binilisan na din ang paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito. Binitiwan naman siya ni Paula para kunin nito sa bulsa ang remote control key ng kotse nito. Pinindot nito ang unlock button, tumunog ang kotse tanda ng pagkabukas. At nang humakbang palapit si Paula sa driver seat ay humakbang na din siya sa may front seat. Hindi pa nga niya naisusuot ang seatbelt nang paandarin na ni Paula ang kotse paalis, mukhang late na ito sa pupuntahan. Pero nang makalabas sila ng school ay napansin niya na bumagal ang pagpapatakbo nito na para bang wala itong hinahabol na oras. Hinayaan na lang naman niya ito dahil nakikisakay lang naman siya. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa coffee shop na pinagta-trabahuan. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt na suot. "Salamat sa paghatid, Paula. At ingat ka," wika niya dito. Ngumiti naman si Paula bilang sagot. "Ingat ka din," wika din nito sa kanya. Bumaba na siya ng kotse. Kumaway pa siya kay Paula bago siya pumasok sa loob ng coffee shop. Dumiretso naman siya sa restroom para magpalit ng damit. At nang makapagpalit ay inilagay niya ang gamit sa locker para makapag-umpisa na siyang mag-trabaho. At sa sumunod na sandali ay abala na si Beatrice sa pagta-trabaho. At mukhang magiging busy sila sa mga susunod na sandali dahil maraming customer. May pagkakataon din kasi na marami talaga ang customer nila. Kaya nga hindi niya namalayan ang oras, malapit na pala silang magsara. Hinintay muna nga nilang matapos ang huling customer bago sila sa tuluyan silang mag-close. Naglinis pa nga sila sa store hanggang sa tuluyan na silang magsara. At sobrang pagod ang nararamdaman ni Beatrice, idagdag pa na nagugutom na siya. Naisip naman niyang dumaan muna sa isang mamihan na malapit lang dito, iyong naka-tricyle. Do'n kasi siya minsan kumakain kapag wala siyang stock ng pagkain sa bahay at kapag nagugutom siya pagkatapos ng trabaho. Masarap at very affordable din kasi. Nagpaalam naman na si Beatrice sa kasama niya. At akmang hahakbang na siya paalis ng mapatigil nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. "Beatrice." Hindi nga din napigilan ni Beatrice ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso ng sandaling iyon. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likod. At agad niyang nakita ang gwapong mukha ni Brandon at napatitig siya dito nang mapansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. "Brandon..." Humakbang naman ito palapit sa kanya. "What...are you doing here?" tanong niya kay Brandon ng huminto ito sa tapat niya. "I'm here to pick you up," sagot nito sa kanya. Hindi kasi kita naabutan kanina sa school niyo. Nagpunta ako do'n pero mukhang nakaalis na kayo do'n," dagdag pa na wika nito. "Oh," sambit naman ni Beatrice. Kung hindi siguro nagmamadali si Paula kanina sa pag-alis ay siguro naabutan pa sila ni Brandon. "Uuwi ka na?" mayamaya ay tanong ni Brandon sa kanya. Umiling naman siya dahilan para mapakunot ang noo nito. "Kakain muna ako diyan sa mamihan," wika niya dito. Mas lalo namang kumunot ang noo nito. Tiningnan nga din nito ang wristwatch na suot. “You haven’t eaten dinner yet?” tanong naman nito sa kanya. "Busy kasi kanina. Maraming customer," sagot niya. Humugot naman si Brandon ng malalim na buntong-hininga. "Saan iyang mamihan?" tanong nito sa kanya. "Diyan lang sa malapit," sagot niya kay Brandon. "Okay. Just lead the way," wika naman nito. "Ha?" "Samahan na kita sa pupuntahan mo," wika naman nito. "Magagabihan ka, Brandon," wika niya. "Umuwi ka na lang kaya." "No," sagot nito sa kanya. "I'll accompamy you, Beatrice." Napatitig naman si Beatrice kay Brandon. At kita niya ang determinasyon sa mga mata nito na samahan siya kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD