Napansin nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakasilip ito sa bag niya, tinitingnan ang cellphone na hawak. "Hindi. Pinahiram lang sa akin," sagot niya sa kaibigan. Inalis naman nito ang tingin sa loob ng bag at nag-angat ng tingin sa kanya. "Sino?" tanong nito. Hindi pa nga siya nakakasagot nang muli itong nagsalita. "Si Vince ba ang nagpahiram?" mayamaya ay ngiti nito. "Ang bait naman ni Vince, siguro gusto ka lagi niyang i-text kaya ka niya pinahiram ng cellphone," dagdag pa na wika nito. "Hindi si Vince ang nagpahiram," sagot niya. "Si Brandon," dagdag pa na sagot niya. Napansin naman niya na natigilan si Paula sa pangalan na binanggit niya pero mayamaya ay ngumiti din ito. "Ang bait naman ni Brandon," komento nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pag

