NAKARAMDAM ng excitement si Beatrice nang tumunog ang ringtone ng cellphone na pinahiram sa kanya ni Brandon. Hindi pa nga niya nasisilip kung sino ang tumatawag nang unahan na siya ni Paula. "It's Brandon," wika naman ni Paula sa kanya. At nang silipin niya ang cellphone ay nakita niyang si Brandon nga ang tumatawag sa kanya. "Sagutin muna," wika ni Paula, parang excited pa ito kaysa sa kanya. Nang balingan nga niya ito ay nakita niya ang nakapaskil na ngiti sa labi nito. Tumikhim naman muna siya bago sagutin ang tawag sa kanya ni Brandon. "Hello?" bati niya ng sagutin niya ang tawag nito. "Beatrice." Pinagdikit ni Beatrice ang ibabang labi nang marinig niya ang baritonong boses ni Brandon mula sa kabilang linya nang banggitin nito ang pangalan niya. "Nandito na ako sa labas ng

