MAS lalong humigpit ang pagkakahawak ni Beatrice sa braso ni Brandon nang mapansin niya kung saan sila tutungo na dalawa. Mukhang lalapit sila sa gawi ng kinaroroonan ng pamilya ni Paula at nang kausap ng mga ito. At nang mapatuon ang tingin ni Beatrice sa may edad na lalaki na kasama nina Paula do’n niya napansin ang pagkakahawig nito kay Brandon. Napatingin din siya sa may edad na babae at pareho sila ng kulay ng mga mata ni Brandon. At doon niya na-realize na ang kausap ng pamilya ni Paula ay mga magulang ni Brandon. Sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng kaba. It was the first time she had seen them. At hindi niya alam ang gagawin at hindi niya alam ang sasabihin. At mukhang naramdaman ni Brandon ang kaba niya dahil tumigil ito sa paglalakad dahilan para mapati

