KUMUNOT ang noo ni Beatrice nang pagbukas niya ng pinto sa apartment ay bumungad sa kanya ang dalawang babaeng hindi pamilyar ang mukha sa kanya. “Good afternoon, Ma’am,” bati ng dalawa sa kanya. “Good afternoon,” ganting bati din ni Beatrice sa mga ito. "Sino po sila?" tanong naman niya, hindi kasi niya kilala ang dalawa. "Ma'am, kami po ang make-up artist na pinadala ni Sir Brandon para ayusan kayo," imporma nito. "Oh," sambit naman niya. Saglit nga din siyang tumitig sa dalawa bago niya niluwagan ang pagkakabukas niya ng pinto para papasukin ang mga ito. Isinara naman niya ang pinto. Sumunod naman sa kanya ang dalawang babae ng humakbang siya palapit sa sofa. "Aayusan niyo na ba ako?" tanong niya sa mga ito. "Yes, Ma'am," sagot nito. "May susundo kasi sa inyo dito ng ala

