Niyakag na nga din siya nito papasok sa loob ng building. At hindi nga niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya ng hawakan niya ito sa kamay. Napatigil si Brandon sa paglalakad at sumulyap sa kanya. Saglit nga itong tumitig hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kamay nilang magkahawak. At akmang bibitaw siya ng mapatigil ng humigpit ang pagkakahawak nito do'n. At pagkatapos ay pinagsalikop nito ang mga kamay nila. She could feel his calloused and warm palm when he intertwined their hands. At muli na siya nitong inakay para magpatuloy sa paglalakad papasok sa loob ng building. Lumapit naman sila sa reception area. "Good morning, sir. Good morning, ma'am," bati ng babae sa kanila. "Add my girlfriend’s name to the guest list of my visitors," wika ni Brandon dito. Pagkatapos ay sinab

