Chapter 62-1

706 Words

INALIS ni Beatrice ang tingin sa screen ng laptop ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Ang secretary ni Brandon. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. “Hello?” “Ma’am Beatrice,” wika nito sa kanya mula sa kabilang linya. “May problema ba?” tanong niya agad, alam nito ang numero niya dahil minsan ay kinuha niya iyon para ma-text niya ito tungkol kay Brandon. Minsan kasi ay tini-text niya ito kung kumain na ba si Brandon ng lunch kapag hindi sila nagkakasabay na mag-lunch na dalawa dahil pareho silang busy. Baka kasi nakakalimutan ni Brandon ang kumain, kung minsan ay pinapakiusapan niya ito na order-an si Brandon ng lunch n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD