Inaapoy ito ng lagnat! Umalis siya sa harap nito para magpunta sa walk in closet. Kumuha siya ng towel at t-shirt para palitan ito ng damit. Mukhang ibinagsak lang nito ang sarili sa kama ng makarating ito dahil suot pa din nito ang long sleeves nito. Muli niyang binalikan si Brandon sa kama nito. Umupo siya sa gilid niyon. “Brandon?” tawag niya sa pangalan nito. “Brandon…wake up…” Niyugyog niya ang balikat nito para magising. Mayamaya ay umungol at gumalaw ito. Hanggang sa dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. At agad na tumuon ang namumungay nitong mga mata sa kanya. “Babe?” Inalaayan niya ito ng akmang babangon ito mula sa pagkakahiga nito sa kama. Isinandal niya ito sa headrest niyon. “What…are you doing here?” tanong nito habang titig na titig sa kanya. Mukhang hindi m

