TININGNAN ni Brandon ang suot na wristwatch. At hindi niya mapigilan ang mapakunot ng noo nang makitang maghahating gabi na pero wala pa din siyang natatanggap na tawag mula kay Beatrice. Nagbilin siya dito na kapag uuwi na ang mga ito ay tawagan siya nito para masundo niya ito sa bar kung saan nagsi-celebrate ang mga ito ng pagkapasa nito kasama ng mga ka-trabaho. Alas diyes ay nasa bar na si Brandon, hindi din kasi siya napakali sa penthouse kaya nagtungo na siya sa bar para hintayin ito. Pero hindi naman siya pumasok sa loob ng bar. Nanatili siya sa loob ng kotse sa may parking lot ng nasabing bar. At halos dalawang oras na siyang naghihintay sa tawag nito sa kanya. At mayamaya ay napaayos si Brandon mula sa pagkakaupo ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Mabilis naman niy

