“MOMMY, bakit ikaw po ang sundo sa akin. Nasaan po si Ate Lorna?” tanong ni Braxton sa kanya ng sunduin niya ito sa school na pinapasukan nito. “Pinauwi na kasi ako ng maaga ng boss ko dahil very good daw ako sa work,” sagot naman ni Beatrice sa anak. “Really, Mommy?” Tumango naman siya bilang sagot. “Same po pala tayo, Mommy. Very good din daw ako sabi ni teacher, kaya po bigyan niya po ako three stars,” sagot nito sa kanya, itinaas nga din nito ang kamay para ipakita sa kanya ang stars na sinasabi nito. Bumaba naman ang tingin niya do’n. At hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita niya ang stars na tinutukoy nitong binigay ng teacher nito. “Wow, pareho pala tayong magaling,” komento niya. “Of course, Mommy,” sagot nito sa kanya. “Nagmana ako sa inyo, eh,” dagdag na wika

