At nalaman lang nila ang totoo ng lumalaki ang anak, na hindi si Vince ang ama nito kung hindi si Brandon. Habang lumalaki kasi ang anak ay napapansin nila ang malaking pagkakahawig nito kay Brandon. At hindi naman na kailangan ng DNA result para malaman na mali ang resulta ng lumabas sa DNA na pinagawa ni Brandon. It’s either na may ibang nagmanipula niyon pero hindi na naman nila inalaman kung sino ang may kagagawan. The damage has been done. At nagtagumpay naman na itong sirain ang relasyon nilang dalawa ni Brandon. At sa mga nalaman ay hindi na din niya sinabi kay Brandon ang totoo. Hindi na niya ito pinuntahan para sabihin na iyong anak na tinakwil nito? Iyong anak na inabandona nito? Iyong anak na sinabi nitong bunga ng panloloko niya ay kamukhang-kamukha nito. Para saan pa?

