At bago pa nito buhayin ang makina ng kotse ay lumapit siya dito para yakapin ito. Naramdaman naman ni Beatrice na saglit na natigilan si Brandon sa biglang pagyakap niya pero nang makabawi naman ito mula sa pagkabigla ay niyakap siya nito pabalik. “I’m sorry…” sambit niya dito habang yakap pa din niya si Brandon. “Hmm?” wika ni Brandon ng kumawala ito mula sa paykakayakap niya. “Nagi-guilty kasi ako dahil hindi ko nasagot ang tawag mo. Nalipasan ka tuloy ng gutom.” Tumaas naman ang isang kamay nito para haplusin ng masuyo ang pisngi niya. “It’s okay, babe. Ang importante kasama kita ngayon,” sagot nito sa kanya. At hindi napigilan ni Beatrice ang mapakit ng mga mata nang ilapit ni Brandon ang mukha nito sa kanya para bigyan siya nito ng halik sa labi. Akala nga niya na magta

