TIME passed. Kung dati sa blueprint lang nakikita ni Beatrice ang design na ginawa niya ay ngayon naman ay unti-unti na iyong nabubuo habang nakatingin siya sa mga larawang kuha niya sa site Halos fifty percent na kasi ng construction ng hotel ang natatapos at ilang buwan na lang ang bibilangin at matatapos na dn ang construction ng hotel. May target date kasi silang sinusunod. Gusto kasi ng may-ari na matapos iyon bago mag-new year. Kaya nga double time silang lahat. Pero mini-make sure nila na polido lahat ng trabaho nila. At talagang polido iyon dahil halos tutok ang atensiyon nilang dalawa ni Vince do’n. Halos araw-araw nga silang nasa site. Minsan nga ay ginagabi na sila ng uwi na dalawa. At mabuti na lang din na naiintindihan siya ng kanyang asawa, nagpapasalamat siya dito dahil si

