Gamit ang card key ay binuksan ni Aiza ang room at saka sila pumasok. Hindi naman napigilan ni Bearice na igala ang tingin sa kwartong tutuluyan. It was beautiful and spacious. “Wow!” bulalas ni Aiza. “Hindi ko alam na marami pa lang pera si Lea para dito,” wika nito ng humarap ito sa kanya. “Eh, she’s the breadwinner of their family. The per night here is so expensive,,” dagdag pa na wika nito. “Baka pinag-ipunan niya,” sagot na lang naman niya kay Aiza. “Pero kung ako si Lea, sa bahay na lang ako magsi-celebrate ng birthday ko. Magluluto na lang ako. Marami pa akong mapapakain at makakatipid pa ako,” wika naman sa kanya ni Aiza. Hindi naman siya nagbigay kometo sa sinabi ni Aiza, pero kung siya din ang tatanungin, ganoon din ang gagawin niya sa sinabi ni Aiza. “SAGLIT!” wik

