Mayamaya ay may naramdaman siyang presensiya sa likod niya. Naramdaman nga din niya ang paghaplos nito sa kanyang likod. "Okay ka lang, Beatrice?" tanong nito sa kanya. Sa halip naman sagutin niya ito ay pagtuloy siya sa pagsuka. Puro laway lang naman ang naisusuka niya. At nang sa tingin niya ay wala na siyang maisusuka pa ay nagmumog siya. Nang matapos ay kumapit nga din siya sa may sink dahil nakaramdam ulit siya ng paghihina. Hindi naman umalis si Vince sa tabi niya. "Gusto mong dalhin kita sa infirmary, Beatrice?" tanong nito sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot. "Okay lang ako, Vince," sagot niya. "Hindi ko lang nagustuhan iyong amoy ng kape ni Lea," dagdag pa na wika niya. At nang um-okay naman na ang pakiramdam niya ay lumabas na siya ng banyo, nakaalalay naman si V

