Chapter 83-2

618 Words

Agad namang tumuon ang tingin ni Beatrice sa hawak na plastic ni Brandon at halos matakam na siya habag nakatingin siya doon. Walang imik na inilapag iyon ni Brandon sa center table. “Kain na— Hindi na niya natapos ang ibang sasabihin ng mag-umpisa itong maglakad palayo sa kanya. At nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niyang pumasok ito sa loob ng kwarto. Kinagat naman ni Beatrice ang ibabang labi. Saglit nga din siyang hindi nakakilos pero mayamaya ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa para sundan si Brandon sa kwarto. Nakita naman niya itong nakaupo sa gilid ng kama, habang ang tingin ay nanatili sa sahig. Para namang may malaking kamay na sumakal sa puso niya dahil nakaramdam iyon ng kirot habang nakatitig siya kay Brandon. Humakbang naman siya palapit dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD