TAMA nga ang sinabi ni Brandon. Makakapag-review na siya ng maayos sa penthouse nito dahil malamig. Hindi na siya maaabala sa kakapunas sa pawis niya kapag nanatili siya sa apartment. Nang sandaling iyon ay nasa loob siya sa library ng condo nito. Pinahiram nga nito sa kanya ang office table nito para doon siya mag-review. Hindi na nga siya nakasalpak sa matigas na sahig, ngayon ay nakaupo na siya sa gilid malambot na swivel chair nito. Hindi na siya mangangawit. At gaya din ng sinabi ni Brandon ay may mga libro ito sa mga shelves na magagamit niya sa pagre-review. May computer din kung may kailangan siyang i-research ay magagawa niya. She was comfortable, and she could review properly. Mag-isa nga lang din si Beatrice sa library, nasa labas si Brandon para hindi daw siya nito ma-ist

