"BEATRICE." Nag-angat si Beatrice ng tingin ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Vince na tumawag sa pangalan niya. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatiko na sumilay ang ngiti sa labi nito "Yes?" tanong niya dito. Sa halip naman na sagutin siya ni Vince ay inabot nito sa kanya ang hawak nito. At nang bumaba ang tingin niya do'n ay bahagyang namilog ang mga mata niya nang makita na mga libro iyon. At hindi lang iisang libro, sa tantiya niya ay nasa limang libro iyon, makakapal pa. "Here. Magagamit mo ang mga libro itong sa pagre-review mo," nakangiting wika nito sa kanya. Tinanggap naman niya ang libro na inaabot nito. Medyo mabigat nga ang mga libro dahil makakapal iyon. "Thank you, Vince. Malaking tulong nga ang mga ito," nakangiting sagot niya dito. Vince s

