TINUTULUNGAN ni Beatrice si Ate Lorna na nagluluto ng dinner ng mapatigil siya ng marinig niya ang boses ni Braxton na tinatawag siya. “Mama...” Lumingon si Beatrice sa kanyang likod para balingan si Braxton. Nakita naman niya itong naglalakad palapit sa kanya. Bumaba nga din ang tingin niya sa hawak nitong cellphone niyang tumutunog. “May tumatawag po sa inyo,” wika nito sa kanya. At nang makalapit ay inabot ng anak sa kanya ang hawak nitong cellphone na tumutunog. Kinuha naman niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya at nakita at nabasa niyang si Paula iyon. Sa halip naman na sagutin niya ang tawag nito ay nilingon niya ang anak. “Thank you, Brax,” wika niya dito. Nginitian naman siya nito. “Welcome po, Mama,” sagot nito sa kanya. “Balik na po ako sa sofa,” wi

