Hindi nga niya maipaliwanag ang nararamdaman kanina sa narinig niyang sagot nito, nakaramdam kasi ang puso niya ng kirot. Dapat hindi na niya iyon nararamdaman dahil tapos na silang dalawa ni Beatrice. At natural na iyon ang isasagot nito sa kanya. Ama si Vince, natural na magiging mabuting ama ito sa anak nito. Dahil kung siya ang tunay na ama ni Braxton ay magiging mabuti siyang ama dito, gagawin niya ang lahat para sa anak. Baka higitan pa niya ang pagiging mabuting ama ni Vince. Ipinilig na lang naman ni Brandon ang ulo para maalis iyon sa isip dahil hindi na naman niya nagugustuhan ang nararamdaman. "Let's go inside. My wife is waiting," yaya ni Mr. Robin sa kanya. Sabay-sabay naman silang pumasok sa loob ng bahay ni Mr. Robin. At pagpasok nila ay may sumalubong sa kanilang ma

