BUMUKA-sara ang labi ni Beatrice nang marinig niya ang sinabi ni Gesille. Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig niya. Natanggal ito sa trabaho? At hindi na ito makakapag-apply pa sa ibang kompanya kung hindi nito nakuha ang pagpapatawad niya? At banta iyon ni Brandon sa kanya? Nang sandaling iyon ay alam niyang hindi lang siya ang nagulat sa narinig dahil mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang gulat sa ekspresyon ng mukha ng mga ka-trabaho sa narinig na sinabi ni Gesille. Mayro'n ngang nanlalaki ang mga mata. “Parang awa mo na, Beatrice. Patawarin mo ako. Hindi ko na uulitin, hindi-hindi na ako magpapakita sa ‘yo. K-kailangan ko ng trabaho. Ako lang din ang inaasahan sa amin ng pamilya ko,” wika nito habang patuloy na umiiyak. Nawala na iyong tapang nito kanina, par

