“Mag-ex ba kayong dalawa?” Iniwas na lang naman ni Beatrice ang tingin kay Lyn dahil ayaw niyang may mabasa ito sa ekspresyon ng mukha niya. “I’m sorry, Lyn, but I don’t want to talk about it," wika niya dito. “I’m sorry,” wika nito sa kanya. Ngumiti lang naman siya bilang sagot. Mukhang naintindihan siya nito dahil hindi na ito muling nagtanong pa. Mabait si Lyn pero hindi siya komportable na i-kwento dito ang nakaraan niya. Gaya ng sinabi niya ay wala siyang pinagkakatiwalaan dahil sobrang nadala na siya noon. Napilitan lang siya na mag-kwento kay Sir Robin noong tanungin siya nito, pero wala naman siyang masyadong kinuwento. Sinabi lang niya kung ano ang ugnayan nilang dalawa ni Brandon dati. At hindi na din naman ito masyado nagtanong sa kanya. Hindi naman nagtagal ay nakarat

