NAPATITIG si Beatrice sa cellphone habang nakatitig siya sa pangalan ni Brandon na nag-sent ng friend request sa kanya. Akala ba niya ay wala itong social media account dahil wala itong oras do'n? Pero ano itong nakikita niya? Bakit nag-sent ito ng friend request sa kanya. O, baka naman may gumamit ng pangalan at picture nito sa social media? At akmang pipindutin niya ang profile ni Brandon ng mapatigil nang may nag-pop na message galing kay Vince. Thank you for accepting my friend request, Beatrice. Wala pa ngang ilang segundo ng ma-seen niya ang message nito nang makatanggap muli siya ng chat galing dito. How are you? Okay lang din naman. Ikaw? Okay lang din, Beatrice. Chat din ni Vince sa kanya. Anyway, about what Paula said? Alin do'n? tanong naman ni Beatrice sa ch

