NATULOY nga ang paglabas ni Beatrice at Paula kasama si Vince. Hindi sila kumain ngayon sa cafeteria ng School, kung hindi lumabas sila para kitain si Vince. "Hindi ba mahal diyan?" tanong ni Beatrice kay Paula nang makita niya kung saan sila restaurant kakain. "Huwag mo nang isipin kung mahal o hindi. Ang importante mabubusog at masasarapan tayo," wika naman nito sa kanya. Magkaiba sila ng pananaw na dalawa ni Paula dahil sa estado ng pamumuhay nila. Hindi siya ipinanganak na mayaman kaya hindi siya kumakain sa mahal na restaurant. At nabubusog at masarap din naman ang mga pagkain sa restaurant. At kahit siguro na may pera siya ay hindi niya ipagpapalit ang mga nakasanayan niyang pagkain. Bumaba na naman si Paula sa kotse kaya bumaba na din siya. "Let's go, Beatrice," wika nit

