“ANO iyan?” curious na tanong ni Paula sa hawak-hawak niyang paperbag. Bumaba nga din ang tingin niya sa hawak. “It’s Brandon coat,” sagot naman ni Beatrice kay Paula nang muli niyang ibalik ang tingin dito. . Napansin naman niya ang paninitig ni Paula sa hawak niya. “Nakalimutan kasi niyang kunin sa apartment, nakalimutan ko din na i-abot sa kanya noong umalis siya,” dagdag pa na wika niya. Inalis naman ni Paula ang tingin sa hawak niyang paperbag at nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Akala ko ba inihatid ka lang niya sa apartment mo?” tanong nito, may napansin siyang kakaiba sa boses nito pero hindi niya mabigyan ng kahulugan kung ano iyon. “Inimbitahan ko siyang pumasok. Nagi-guilty kasi ako dahil sa sugat na natamo niya dahil sa pagligtas at pagtanggol niya sa akin. Kaya inany

