bc

Pasmado (GayXSraight)

book_age18+
326
FOLLOW
2.1K
READ
sweet
humorous
witty
gay
like
intro-logo
Blurb

Si Sho na may pasmadong bibig, ay titira sa iisang boarding house kasama ang gwapo, macho, pero ubok ng pagka-antipatiko na si Mikyle.

But between their cat fights and quarrel, they will discover their secrets, emotion, identity and feeling for each other.

Dahil parehong may Pasma ang kapwa puso nilang dalawa.

chap-preview
Free preview
Prologue

 

"YOU okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Mukha ba akong okay? Pakiramdam ko bibitayin na ako today! Stress. Gusto ko lang namang maging legal na kami ng tuluyan.

 

Nasa harapan kami ng bahay ng magulang ko. Nasa loob panigurado ang nanay kong bungagera at ang tatay kong walang kibo sa buhay. Ano kayang ire-react nila? Na ang anak nilang dalagingding ay may jowa na!

 

"Mukha ba akong okay? Kung oo press 1, kung hindi, press 2!" sabi ko sa kanya at saka umirap.

 

Ngumisi siya sa akin. "Sige, gumanyan ka. Mamaya ka sa akin. Mukbang kita," aniya habang naniningkit ang mata. Hinampas ko nga.

 

''Che! Mukbang-in mo ‘yong bibig ng aso!" irap ko, in denial lang ako, pero bet na bet ko naman. Eme.

 

"f**k, Sho! What the hell?"

 

Natawa na lang kami sa kabaliwan ko. Sino ba ang mag-aakala na ang suplado, masungit na kasama ko lang sa kwarto, ay magiging ganito na kami. Hindi ako pinalaking marupok ni Mommy Clara at Daddy Fausto. Ewan ko ba at bumigay ako sa lalaking ito!

 

 

Siya si Mikyle, ang lalaking hindi ko ma-describe, dahil tinatamad ako. Basta gwapo siya. 6 feet flat ang tangkad niya, maputi siya mula ulo hanggang sa isang ulo pa, hanggang sa paa! Sana gets niyo, mga bwakangina.

 

Nasa loob pa kami ng kotse niya. Ayaw ko pang lumabas. Walang paki ‘yong mga nagsasabing nakaharang kami sa daan!

 

Pero dahil mapilit kayo, chos, bumaba s***h lumabas na kami sa kotse. Heto na! This is it pancit.

 

Nag-doorbell muna ako, pero naalala ko, wala pala kaming doorbell. Kaya inalis ko na lang ang kandado ng gate namin. Kaya lagi akong may dalang hairpin, e.

 

"What the? Sho? Magnanakaw ka ba?" tanong ng boyfriend ko. Malaki lang ulo niya sa baba. Hayop na common sense.

 

"Nanakawan ko ‘yong bahay namin? Sana ayos ka lang, Mikyle!" sabay irap ko sa kawalan. Napalabi naman siya, pout sa English, baka mahirapan pa kayong mag-isip.

 

Nang marinig ko nang nag-click ay napangisi na ako at saka ako pumasok sa garden ni nanay. Ginagawang Narnia at Wonderland ang bakuran namin. Puro kupit lang ng halaman sa kapitbahay.

 

Kumatok na ako sa pinto habang nasa likod lang ang asawa ko. Oo, asawa ko na siya, huwag niyo na siyang pagnasahan, mga yawa kayo! Argh!

 

 

 

 

"ABA, at umuwi na rin sa wakas ang magaling kong anak." Iyan agad ang bungad ng nanay ko. Hindi naman halatang mahal na mahal niya ako, ano?

 

 

"Good morning din, ‘Nay, ang laki niyo pong harang sa pintuan..." Agad naman akong nakatanggap ng palo sa mahiwagang pamaypay ni Nanay. Ang sakit men! Parang pinaso sa kawali!

 

 

"Ha! Your mother is not a pig! Hindi baboy ang nanay mo! Tao siya! Tao!" arte ni nanay. Nakakarindi ang boses. Parang humihiyaw na baboy.

 

"Nay, shut up ka nga. Baka akala ng mga tao, slaughterhouse ang bahay natin," inis na sabi ko at saka na naman ako nakatanggap ng palo. Ang sakit na, ha!

 

Doon ay natigilan kami sa bangayan namin ni Nanay nang may tao pa pala sa likod ko. Nandito pa pala ang jowa ko, akala ko lumayas na lang bigla, e.

 

"May bisita pala tayo. Nakakahiya ang ugali mo anak. Bakit ka ba ganyan? Pagpasensyahan mo na itong anak ko, hijo, ha? Nang pinanganak ko kasi iyan... saktong lumilindol, hindi ako nakainom agad ng tubig. Oh diyan, pasok na kayo." Ayan na naman ang mga mahihiwagang pamahiin ni Nanay. Kaloka.

 

"Buti naisipan mo kaming papasukin muna, nay?" sarkastiko kong himok. Nakatanggap naman ako ng pinong kurot. Ano ba iyan?!

 

 

"Hindi ikaw, ‘yong poging bisita mo. Ikaw anak, dito ka lang. Stay dog, stay," ani nanay sa akin at saka ako dinuro na parang aso. Ay, attitude?

 

 

"Nay!" reklamo ko sabay napapadyak pa ng paa.

 

 

"Pumasok ka na nga rin. Baka hindi kita matansya at masungalngal kita."

 

 

Nakita ko lang na nakangiti lang itong jowa ko. Inirapan ko siya at saka siya dinala sa aming munting sala. Wala namang second floor ang bahay namin. Saktong may dalawang kwarto, kusina, banyo at saka malawak na garden sa labas. Kulay faded yellow ang pintura, classic pero bongga. Nakakamiss ‘yong bahay, pwera kay nanay.

 

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?'' tanong ko sa jowa ko habang nakahalukipkip. Nasa sala kami ngayon, nakaupo sa itim na sofa habang binubuksan ang flat-screen TV na nakadikit sa pader.

 

"None. I just realized that you actually inherited that thing from your mother," sabi niya, pa-cool pa ‘tong kupal na ‘to. In-English pa ako ha?

 

 

"Ako nga diretsuhin mo. Anong pinagsasabi mo riyan, Mr. Lee?" masungit na tanong ko.

 

 

"Sabi ko, alam ko na ngayon kung saan mo namana iyang pasma mo sa bibig."

 

Umakto naman ako na parang nasaktan. "Hoy, yawa ka! Baka nakakalimutan mo itong bibig na ito ang kinababaliwan mo?"

 

Ngumisi naman siya ng pagka-gwapo gwapo. Okay. I am so dead.

 

"Yeah, I am so guilty of that."

 

Nawala lang kami sa momentum ng landian nang pumasok sa eksena ang nanay ko. May dala itong tray na may lamang isang slice ng cake at isang baso ng juice.

 

"Nay, bakit isa lang?" kunot noo na tanong ko.

 

"Bakit? Mayroon ka na bang katulong? May nakikita ka?"

 

Nakakayamot talaga, pero wala na lang akong masabi. Pumasok na lang ako sa kusina at doon naghanda ng kakainin ko.

 

Naghanda ako ng simpleng sandwich at kape. I am such a coffee person at wala na kayong pakialam doon.

 

Napapaisip ako habang naglalagay ng palaman. Halos dalawa at kalahating taon din kaming nagtataguan ng feelings ng lalaki na ito. Ang daming away at bati, ang daming lambingan at selosan, ang daming sikreto at tiwala. Basta...

 

Akala ko tatanda na lang ako na walang kasama sa buhay, hindi makakaranas ng totoong love life man lang. Pero may isang lalaki na babago sa pananaw ko, babago sa mga akala ko. Akala ko wala na talaga.

 

 

Matapos kong magtimpla ng kape ay inilagay ko na lahat sa tray. Balik sa sala na muli ako, ilang kembot lang naman. Bigla naman akong nabahala nang makita ko ang ginagawa ni tatay at nanay sa jowa ko.

 

"Kailan ang kasal? Seryoso ka ba sa anak namin? We mean business here, hijo. Three K per kilo," sabi ni nanay.

 

"Sure ka ba sa anak namin, Mikyle? Baka sa bandang huli at magsisi ka. Maraming depekto ang anak namin. Nasa unang listahan ang bibig nito na pasmado."

 

Kita ko naman na-enjoy na enjoy itong lalaki na ito na nayuyurakan ang dignidad ko! Humanda sila sa akin!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
317.5K
bc

CROOK THE STRAIGHT 2

read
10.9K
bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
42.9K
bc

Aerin Hamilton and The Assassin Girl (Tagalog) Book 2 COMPLE

read
7.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
40.5K
bc

My Love Guru

read
31.5K
bc

My Brother's Wife [GxG]

read
68.3K
dreame logo

Download Dreame APP

download_iosApp Store
google icon
Google Play