Episode 1

1282 Words

 

WALA nang mas nakakabwisit sa umaga ang marinig ang bulyaw ni nanay. Wala pa akong tulog dahil sa videoke ng kapitbahay namin na boses palaka naman! Ang aga-aga nasisira ang araw ko.

 

"Oh? Baka gusto mo nang tumayo diyan, Protacio. Hindi matutupi iyang higaan mo gamit ang magic, hindi mawawalis iyang sala kung nakahiga ka pa diyan! Ano?" sabi ni nanay. Wala na naman lock ang pinto ng kwarto ko.

 

 

"Nay, wala pa akong tulog," reklamo ko habang nakakumot pa. Ang lamig ng panahon dahil umulan ng magdamag. Kaya nga maingay ‘yong mga palaka sa kabilang bahay, 'di ba? ‘Yong mga kapitbahay naming bida-bida sa kaka-videoke!

 

 

"Kakaselpon mo iyang bata ka! I don't care! Go here or I will beat you into pulp!" Ay pota, tatayo na ako, nag-English na si mudra.

 

 

"Oo na, nay!" sigaw ko at saka na tumayo. Kahit masakit pa ang ulo ko sa taas. Daig ko pa may hangover.

 

Tumayo na ako wearing may pajama and loose shirt. Pumunta ako sa labas ng kwarto diretso banyo upang maghilamos at mag-sipilyo.

 

"Mag-almusal ka na, anak. Alam ko naman na pagod na pagod ka kakatulog, e." Kita mo naman bunganga ni nanay.

 

"Okay, nay, as you say so," saad ko habang kumukuha ako ng plato. Nabato tuloy ako ng basahan. Leche.

 

Kumain na ako, mabuti masarap ang ulam namin. Tocino with scramble egg. Kain tayo? Weh? Gusto mo? Lah, asa ka.

 

Kumuha rin ako ng sinangag at nagtimpla ng walang kamatayang coffee, just black, less sugar. Ayaw ko ng matamis. Kaya kapag nakakakita ako ng mga sweet na magjowa sa kanto, pinapahabol ko sa mga aso, e. Hmp.

 

 

"Bilisan mo nang kumain diyan, anak! May naghahanap sa iyo sa labas." Ay, da who?! Aga naman ‘ata ng mga suitors ko.

 

"Sino, nay? Sabihin mo mamaya na lang sila manligaw, I am busy with my coffee." Maarte ang pagkakasabi ko. Paki ninyo?

 

Binatukan naman ako ni Nanay. Baka akala niya magaan ang kamay niya. Ang sakit, para akong hinampas ng tite ng Titan, char.

 

"Wala kang manliligaw anak. Hindi ka maganda, hindi ka rin dalaga! Bakla ka, anak! Bakla!" sigaw ni Nanay. Pwede ko pang itakwil ito, ‘di ba? Hindi pa huli ang lahat, right?

 

"Nay, ang ingay niyo. Ayan ka na naman. Sino ba iyang mga panauhin kong mga plastik?" walang gana na tanong ko.

 

"’Yong bakla at babae mong kaibigan."

 

Oh, sabado pala ngayon, ano? May shopping pala kami. I am a soon to be college student kasi. One week na lang at tapos na ang summer vacation namin. Kaya sinusundo ako ng mga kaibigan kong kamukha ni kamatayan, kasi bibili kami ng mga school supplies. Sama kayo? Huwag na, bawal mga gold digger doon. Char.

 

 

"Papasukin mo, nay, at saka mo rin palabasin agad." Nakatanggap na naman ako ng batok kay nanay. This is child abuse na!

 

 

"Pesteng bibig iyan, Protacio."

 

"Nay, stop calling me with that old fashion name. Call me Sho!" demand ko. Maarte ako kasi maganda ako. Kayo? Maganda ba kayo? Hm?

 

"Protacio ang pangalan mo. Be proud! Sige papasukin ko na sila. Bilisan mo diyan ha? Hugasan mo muna mga pinggan sa lababo bago ka na naman tumakas. Gagala ka na namang bakla ka..."

 

Nilayasan ko na ang nanay ko. Natotorete na lang ang utak ko sa kanya. I need a peace of mind! Ang ingay-ingay rito. Kaloka.

 

After kong mag-wash ng mga dishes ay pumunta na ako sa kwarto ko. I walk straight to my walking closet. Char, aparador lang talaga iyon.

 

Pumili ako ng tamang pormahan na outfit. Bet ko ‘yong white na tops tapos black na short tapos shade plus shoes na pula and then pabango. Pak! Mainggit kayo, bitxh.

 

"Lumabas na rin sa wakas ang kampon ni Satanas." Iyan agad ang bungad sa akin ng second in command ko na si Lei, pinaikling Leonardo. Ang pambansang bakla ng Kanto Makisig!

 

"Well, daming say ng mga insecure sa akin," matapang na saad ko. Umismid lang ang bakla! Sampalin ko kaya ng minsanan iyang labi niya. May liptint pa, mukha siyang keso de bola.

 

"Mamaya na kayo magbangayan. Alis na tayo at baka traffic na naman..." saad ng pechay na naglalakad sa tabi namin. Si Maria Milenya in short MM.

 

 

 

We agreed on that at saka na kami sumakay sa mga tricycle diyan. Agad namang sumama ang araw ko dahil nakita ko na naman ang malalagkit na tingin sa akin ng mga tricycle driver. Mga manyak, mukha naman silang kampon ng mga goblin! Ew.

 

Siyempre, dahil maselan ako. Doon kami sa gwapong driver. Sa likod ako, nagbangayan pa kaming dalawa nitong si Lei, pero syempre... ang Queen pa rin ang masusunod!

 

Ang bango ng driver in all fairness. Mukhang maugat din. Kinikilig ‘yong internal organs ko. Bet kong mag-orgy, char.

 

"Kuya, ang komportable niyo naman palang sakyan," saad ko. Rinig ko ang mahinang tawa niya.

 

"Mas magandang sakyan ako kapag gabi." Iyan ang banat ni kuya. Naglandian lang kami rito. Syempre tactics lang iyon para makamura sa pamasahe...

 

Pagkapasok namin sa mall ay sinabunutan na ako agad ni Lei. Ang buhok ko na naman.

 

"Napakalandi mo, Protacio!" bintang niya sa akin.

 

"Sorry in advance kung kasalanan na pala ngayon ang pagiging maganda!" saad ko. Normal na sa amin ito.

 

"Mga bakla, maghunos dili naman kayo. Tara na nga, ang dami pa nating bibilhin," saad ni MM sa akin. Go langs.

 

 

Bumili kami sa isang store ng mga gamit. Tapos pumunta kami sa mga boutique after ng aming priority. Sinulit lang namin yung pamasahe. Iba rin kasi ‘yong aircon. Ang junit sa labas, ha?

 

Nang nagutom kami ay kumain kami sa food court. Alam niyo naman, poor mga kasama ko. Hindi nila ako kayang sabayan, char.

 

Kumain lang kami ng siopao, siomai mga gano’n lang. ‘Yong mura pero mabubusog kami. Diet din naman kasi ako.

 

"Baks. Ang gwapo ng nasa gilid natin, o," sabi ni bakla habang nakatingin kay kuyang naka-black ang damit sa kabilang lamesa. Ang gwapo nga! Husband material na agad.

 

''Ako ang unang nakakita diyan, ha? Back off!" banta sa amin ni Lei. Akala mo naman kapatol-patol ang mukha!

 

"Ikaw ang nauna, pero ako ang wakas!" sabi ko naman. Start na naman ang warla namin.

 

Nang nawala na sa paningin namin ang poging lalaki ay umayos naman kami. Nag-aaway lang naman kami ng dahil sa lalaki.

 

"Ang layo ng University natin, hano? Sayang hindi tayo nakapasa sa mas malapit na Univ. Saan kayo magbo-boarding house?" tanong ni MM habang nilalafang ‘yong fries.

 

"Sa tita kong biyuda," maikling saad ni Lei. Ginagala ang mata niya, naghahanap na naman ng biktima. Mukhang nauulol na naman si bakla.

 

"Ikaw?" tanong sa akin ni MM.

 

"Hindi ko pa sure. Baka biyahe na lang ako, uwian araw-araw. Keri naman siguro," sabi ko.

 

"Sa kuya ako titira. Sayang. Maliit lang doon, e."

 

Chika lang kami. Paminsan-minsan ay nanlalait ng mga nakikita naming etchusera sa daan. Nang mapagod na kaming maging judgemental today ay umuwi na kami.

 

 

 

NAGTAKA naman ako nang naka-lock ‘yong pinto ng bahay namin. Nag-call ako kina nanay. Out of reach... Anyare? Wala pa naman akong dala na hairpin. Pero may mga nakatambak na mga garbage bag sa harap ng pinto.

 

Nang binuksan ko ay gamit ko lahat. May nakasilid na letra at saka envelop na may lamang pera.

 

"Text mo na lang Tiyo Karding mo. Dadalhin ka niya sa bagong boarding house mo. Pakabait ka roon, baka tagain ka roon kapag nagmaldita ka at saka mo pa pinairal iyang bibig mo. Goodluck sa pag-aaral mo. Huwag puro boys, mag-aral ka roon, hindi maglandi! Good luck, aja. From your true beauty mother, Clara. Xoxo." Naiyak ako bigla. So, evicted na ako? Pota naman!

 

Free reading for new users
Scan code to download app
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeAdd