Episode 2

1180 Words
"TIYO Karding!" sigaw ko habang nasa labas ako ng bahay nila. "Oh, nasaan ang sunog?!" Aligagang lumabas ang kapatid ni Nanay. May kanin pa siya sa bibig. Halatang nasa gitna ng dinner nito. Bwisit na bwisit talaga ako ngayon! Gusto kong mag-amok! "Talagang susunugin ko ang bahay namin, Tiyo! Alam mo naman ang ginawa ni nanay, ‘di ba?" inis na sabi ko. Nakahalukipkip pa. Kaurat. "Hay nako na bata ka, Sho. Pasok ka na nga muna sa loob at huwag tayo rito sa labas mag-usap." Mabuti pa itong si Tiyo. Total opposite ng nanay ko. Nanay ko, parang araw-araw nakikipagbuno sa palengke. Hindi uso sa kanyang ‘yong pagiging mahinahon. Clara ang pangalan, pero wala namang hinhin sa katawan. Baliktad sila ng kapatid niyang si Tiyo Karding. Mahinahon pa sa dalaga, pero straight at may asawa. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila, few blocks away. Iniwan ko lahat ng gamit ko roon. Hindi naman pag-iinteresan dahil akala ay basura ang mga iyon. Nakalagay ba naman sa garbage bag. ''Sho, nandiyan ka pala," saad ni Tiya Maribel. Ewan ko ba, napangiti na lang ako ng plastik. "Wala po, aparisyon ko lang ito, Tiya," ani ko. Kung pwede ko lang talagang... Hmp! "Ay ganun ba? O sige at kumain ka na muna rito. Ihahatid ka ng tiyo mo sa boarding house mo, hindi ba?" Naalala ko na naman! Ang ganda ng usapan namin ni Nanay, ha? Sabi ko, ayaw kong mag-boarding house. Ang laki ng posibilidad na mag-take advantage ang makakasama ko sa kwarto! Manganganib ang puday ko! That is so wrong in so many ways. Naiiyak na naman tuloy ako. "Tiya, ayaw ko nga na mag-board, e. Ang kaso inutakan ako ng nanay ko. Nakakabwisit talaga. Nasaan ba iyon? Walang tao sa bahay..." sabi ko na hindi maipinta ang mukha. Mas piss off pa ako sa fisting. "Hay nako na bata ka, Sho. Ito ang tandaan mo, kapakanan lang mo ang iniisip nila Ate Clara at Kuya Fausto. Unang-una, e ikaw rin ang mahihirapan kung araw-araw ay uwian ka. At saka hindi ka naman patitirhan doon nang hindi nila inalam na ligtas ka. Naghanap sila ng safe at maayos na environment." Natahimik na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Eh, force evict na nga ako, 'di ba? Kumain na lang ako dahil nagugutom na rin naman ako. Alam niyo naman, nakakagutom kapag problemado! Buti masarap ang ulam nina Tiyo. That is what only matters right now. Matapos kumain ay pahinga lang slight. Netflix and chill. Bandang 8 ay larga na kami. Kinuha na ni Tiyo ‘yong van niya at saka na ako sinakay roon. Kinuha muna namin ‘yong gamit ko at saka na kami nagbiyahe. Habang nasa biyahe pala kami ay nag-raise ako ng question kay Tiyo. I am so maarte, so what? "Tiyo? Nasaan pala nagpunta ang magaling kong nanay? Si tatay?" tanong ko. “‘Yong tatay mo nasa bahay lang ‘ata. Siyang nagbabantay. Hindi ka lang niya pinapasok. ‘Yong nanay mo, nag-attend ng bridal shower." Bigla akong inubo mamsh. Taena bitxh. Nagdadalaga ‘yong nanay ko! Hayof. "Lalong nadagdagan ang stress ko, Tiyo. Sana hindi na lang ako nagtanong. Kaurat." "Eh, bakit ka ba na-stress? Magiging okay ka lang sa bago mong tutuluyan. Okay naman doon. Tiis lang para sa pangarap." "Buti kayo, Tiyo, may sense kausap, ano? ‘Yong nanay ko, ewan ko lang." Natawa na lang si Tiyo. Naalala ko ‘yong Tiyo ni Prinsipe Zuko. Ganoon ‘yong mukha ni Tiyo Karding mga hampaslupa. I let out a deep sigh. Isang oras din ang biyahe. Wala pang traffic ito, ha? May point naman sila, medyo imposible ang arawan na uwian ko. Baka magmukha akong losyang na may bahay kaysa sa college student kung nagkataon. Ayusin lang sana ng kung sinong Poncio Pilato ang makakasama ko sa kwarto, ha? Dapat may asset siya, huwag liability. Tapos next ay dapat malinis siya! Ayaw ko ng kalat! Ayaw ko ng putik! Pwe! Pwede niya akong i-talk dirty kung gwapo siya, pass kapag kamukha lang ni James, Daniel, at Enrique! Nakarating na ako sa harap ng isang four storey building. Mukhang heto na ang boarding house. Kinausap muna ni Tiyo Karding ‘yong landlady. Mukhang kumakain ng masasamang loob si Tita ninyo. Big Mama lang ang peg. "Ako na ang bahala Karding. Sige na," saad ng landlady. "Sige, Melissa. Sho, goodluck sa college mo." Nginitian ko na lang si Tiyo. Pinanood ko na lang siya na umalis. Ngayon ay hinarap ko ang matinding kalaban ng Straw Hats. Char. "Sho, ako ang landlady rito. I am Melissa. Ayan ang papel, nakasulat diyan basically ang mga rules and regulation na dapat mong sundin, ha? Maintain peace and order. May makakasama ka sa silid mo... Halika na at dadalhin na kita sa kwarto mo. Wala pa ang makakasama mo roon, so feel free na piliin mo kung saan ka pu-pwesto." Ang haba ng dialogue ni Melissa, paki-cut direk. "Wait lang po ha? Pipili kung saan pupwesto?" tanong ko. Hindi naman sa nabobobo na ako ano, huwag niyo akong pag-isipan ng ganyan mga yawa. I just cannot comprehend so easily! "Double deck ang sa kwarto ninyo. At least may sarili kayong banyo sa loob ng silid ninyo, may kitchen din." Napanganga na lang ako. My damn privacy, rip. Hindi na lang ako nakaimik. Gusto ko talagang magwala. Gusto kong maghamanon ng sampalan. Pero hindi ko nagawa. I am so damn exhausted na kaya. Ibinigay na sa akin ni Melissa ang susi. Binuksan ko na ang pinto. Okay naman ang laki ng silid. Pero naiiyak pa rin ako. I cannot just imagine the fact that, my privacy. Oh my gosh! Kaso may choice pa ba ako? Wala na! Itinapon na ako rito ni Nanay. Kahit maglumpasay ako rito ay wala namang mangyayari na. Desidido na talaga akong idispatya ng nanay ko. Inayos ko na sa isang aparador ang damit ko. I decided na doon na lang ako sa taas ng double deck matutulog. First come first serve! Wish ko lang na sana mukhang tao naman ‘yong makakasama ko sa kwarto. Para naman gumaan ang bigat na nararamdaman ko now. Naisipan ko na matulog na lang. I should sleep na. Masamang mabawasan ang beauty sleep ko. That is so wrong in many ways. NAGISING na lang ako nang makaramdam ako ng bigat sa hinihigaan kong kama. Kakatulog lang ng tao, e. May yumuyugyog na sa akin. "Nay naman! Natutulog ang unica hija ninyo, e!" saad ko na nakapikit pa rin. "f**k! Just wake up." Napamulat ako ng mata, boses lalaki iyon, ah?! Gosh! This is rape! I am so hyperventilating na! Pagmulat ko ng mata ay tila nahinto ang panic attack ko. San Pedro, heto na ba? Kinukuha na ba ako ng anghel? Bakit ang gwapo naman ng nakapatong sa akin. Ehe, lights off na lang sana. Kaso nabalik ako sa wisyo nang hilahin niya ako paupo. "Sa baba ka," kalmado ngunit masungit na sabi niya. "B-Baba?" tanong ko. Shota! Nautal pa! "Yes. You are in the bottom and I will be on the top.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD