Episode 3

1303 Words
MATAPOS akong maka-recover sa ginawa niya ay tinulak ko siya with all my might! Like Almight! Anong karapatan niyang dungisan ang puri ko! Balak niyang yurakan ang natatanging tagapagmana ng Lireo! "f**k! Bakit ka ba nanunulak ha?" sabi niya habang nasa baba na. Yakap-yakap ko ang dibdib ko. I felt super violated. Matatawag ako ng baranggay official! This is obviously a crime! I need medico legal! "H-How dare you! You tried to violate me! Gusto mo akong kunin ng sapilitan!" paratang ko sa kanya! Lalo na yung mapagnasa niyang nga tingin! I knew it! "What the f**k! Sino namang nagsabi na pinagnanasahan kita?! Are you nuts?" sigaw nito sa akin. Napanganga naman ako sa kanya. So, ako pa ang sinungaling ngayon? "So ako pa ang sinungaling ngayon ha?! Huli ka na sa akto sir! Sabi mo pa nga 'di ba, ako yung bottom tapos ikaw yung top. First of all, hindi pa ako nakapaglinis ng aking butas, bawal! Baka sumabit yung kare-kare. Second, kahit type kita, hindi ako easy to get ha?" bulyaw ko sa kanya! Kailangan niya akong ligawan ng 333 days! "What a disgusting s**t! Hindi ako pumapatol sa bakla, f**k, sabi ko sa baba ka matutulog ako rito sa taas! I am pertaining to the deck itself, you damn idiot!" galit na sigaw niya pulang-pula ang mukha, lumilitaw yung ugat. May naalala tuloy ako, but anyway. Pahiya na ako rito ha? Kailangan kong makabawi. "Paano kung ayaw ko? Gusto ko rito sa taas ano! Ikaw ang mag-adjust dahil ikaw ang nahuli na dumating dito. Ano ka, batas? Huwag mo akong daanin sa laki mo ha?" pabalang na sabi ko. Clara should be proud of me! Pinaningkitan naman niya ako. He reminds me of one of my favorite Asian porn star. Si Blake Hunter, yung sa Peterfever? Hehe. Pero hindi niya ako madadaan, at mas lalong hindi niya ako mapipitas diyan sa mga ganyan niya ha? He can't intimidate me! It is the other way around! "Ayaw ko, I don't want to, nada, ali ku bisa! Tigilan mo ako ha?" bulyaw ko. Unang gabi ko ng wala sa balwarte namin, nakakagawa na ako ng gulo. Pero talagang mas may muscle siya, talagang mas malakas ang pwersa nito. Sino bang mag-aakala na talagang binuhat niya ako na para bang wala lang akong bigat sa kanya, at saka niya ako iniligay sa ilalim ng double deck. I watch as a smirk formed on his lips. "Told you," pang-aasar niya. I felt powerless over him. Talagang may araw rin sa akin iyang lalaki na iyan. Kinuha ko na lang yung mga gamit ko na nasa taas. I so hate him! Gosh! Kahit gwapo siya, nae-epal-an ako sa kanya. Natulog ako ng may sama ng loob. Para mawala ito, kailangan ko siyang makitang nakahubad! Doon lang mawawala yung sama ng loob ko. Hays! Makatulog na nga! May isang linggo ko pa siyang makakasama rito bago magsimula ang pasukan. Agh, huwag lang siyang mag-stay dito ng matagal lagi. Hindi ko matatagalan ang ugali niya! KINABUKASAN ay nagising ako ng mas maaga, hindi talaga ako komportable, namamahay pa ako. Ahh, tatawagan ko mamaya ang nanay ko, si Clara pala. Ang dali lang para sa kaniya na isuka ako. Ako na mabuti at marangal nilang anak! Tumayo ako at dinig ko ang mahihinang hilik ng lapastangan kong boardmate. Bigla tuloy akong natukso na silipan siya. Sisilip lang ng kaunti, huwag kayo masyadong judgemental diyan, mga bwaka! Sisilip lang okay?! Gosh, masyado niyong ginagawang big deal ito. Dahan-dahan ko siyang inakyat sa ibabaw. Nakita ko na halos brief na puti na lang ang suot niya. Walang mumog, walang hilamos, pero heto ako. Naglalaway kay koya! Erase! Erase! Baka nakakalimutan mo na naman Sho. Demonyo iyan. Mukha lang anghel kapag tulog, pero may sungay iyan. Nilalabanan niya lagkademonyo mo Sho! Maingat ako na bumaba at saka napahilamos ng mukha. Nagugutom na ako, gusto ko ng kumain ng bur- breakfast. Kaso wala pa pala akong grocery! What to do? Alangan naman magdasal ako rito para mabusog. Kainin ko na lang itong kasama ko, mukhang masarap naman. ERASE! SHOCKS! Nag-call naman ako kay Clara. May kasalanan pa siya sa akin ha? Sagutin niya itong call ko kung hindi, susunugin ko yung mga collection niya ng Soen panty! Nag-ring ng few time bago niya sinagot, nasa maliit na kitchen na pala ako. Dito na ako magdadadakdak. Mainit pa rin ulo ko! "Nay! May gad, ganito na lang ba kadali na itapon mo ako? Ako na walang ginawa kung hindi maging mabuting anak!" Drama ko sa kabilang linya. Kabahan ka na Marian Rivera. "Ako Protacio, huwag mong sinisimulan araw ko ha?" banta ni Clara sa akin. Naiimagine ko na naman na nagta-transform siya bilang orc. "Nay!" inis na sabi ko. "Ni wala man lang akong pagkain dito. Hindi ko nagawa na mag-groceries. Ano? Lapangin ko na yung tig-isang daan nay?" sabi ko, reklamo ko pala. "Protacio pwede ba? Gamitin mo iyang mata mo anak. Letse naman, may grocery diyan at pagkain, good for two days. Mamalengke ka ngayon at saka ka mag-grocery mamaya para may pagkain ka. Lingguhan ka namin na padadalhan ng pera, kaya magtipid kang bakla ka. Huwag na huwag kang mag-uuwi ng callboy diyan ha? Kung hinde, ipapasara ko iyang pwet mong hindot ka!" Aray Clara ha? "Nay ang bait ko kaya! Tigilan mo nga iyang pag-iisip mo sa akin ng masama! Sige na, luto muna ako," sabi ko. Hindi man lang nag-goodbye, binabaan na agad ako ng tawag! Napapikit na lang ako sa bwisit. Clara, jusko dhai. May grocery nga sa isang bag. Buti, hindi nabasag yung mga itlog na nakalagay sa nilukot na dyaryo. May maliit din na icebox na may lamang karne. Sa sobrang stress ko siguro kahapon, hindi ko na sila napansin. Of course, naghilamos muna ako, linis ng lahat-lahat sa akin. Na-summarize ko na! Tapos luto na agad ako. Buti at kumpleto gamit sa little kitchen namin. May mini ref pa, mukhang ayos na rin naman. Mabubuhay na rin naman ako siguro rito. Huwag lang akong mamatay sa kunsomisyon, ng dahil sa lalaking nasa taas pa, natutulog. Walang laban, pwede kong- char. Nagluto muna ako ng almusal, nagsasaing na rin ako, paluto na actually, huli na kayo sa balita mga bungol. So I choose to cook a scramble egg with salt bae. Tapos mayroon din na noodles na may dried shrimp para malasa, and least but not the least, hotdog! Nagprito ako ng hotdog. Though disappointed ako, ang liit ng hotdog na binili ni Clara. Halatang tinitipid ako! All set na kaya kakain na ako. Buti naman at nasa mga gamit ko ang aking personalized na plato, kutsara at tinidor, ang mug at baso ko. Lahat may design ng Doraemon! May cute Doraemon! Huhu. Nasa kalagitnaan ako ng paglafang nang dumaan sa harap ko si kuya, hindi ko pa pala alam yung namesung niya. Pero nawalan na ako ng pake! Ayaw ko sa lalaking walang chivalry sa buto! Che! "Hindi ka man lang ba magyayaya?" tanong niya sa akin. Ina-eye rape niya yung mga pagkain ko. Ano? Siya? Yayayain kong kumain? After what he have done to me. Neknek niya may syphilis! "Bakit naman kita yayayain? Jowa ba kita? Kumain ka sa labas." Bait ko 'no? "At saka, pwede ba? Magdamit ka nga muna. Akala mo ba kagandahan iyang katawan mo? Nakakaumay, my gosh!" maarteng sabi ko. Ngumisi naman siya at saka umupo sa harap ko. "Let me eat with you, and I will let you eat me," sabi niya sa akin na nang-aakit. Napatulala ako ng slight, nag-loading utak ko. Pero hindi ko siya pinatos! "Yuck! Hindi ako pumapatol sa tulad mo ano! I don't like cheap people! Kumain ka na diyan, pero hinding-hindi kita titikman ano!" sabi ko sa kanya at saka na siya binigyan ng pagkain. "One day, you will beg for it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD