Episode 4

1201 Words
AKO? Magmamakaawa ako sa kanya? Alam niyo guys, aminado naman ako na gwapo ang kuya ninyo e. Pero kung ganoon lang naman ka-hangin, pass na agad. Mabuti at hindi siya nag-stay ng matagal ngayon dito. Baka hindi ko siya matansya. Ewan ko lang talaga ha? Naaabalidbaran pa rin ako sa kanya. Kapag nakikita ko siya nalili- nalilito ako. Basta, ganon, gusto kong magalit o mainis. Wala akong ibang ginawa ngayon kung hindi maglinis. Hindi ako pinalaking dugyot ni Clara ha? Tinuruan niya akong maglinis. Mas malinis kaysa sa puri ko. Umangal chaka! Inuna kong nilinis ang kusina. Nabwisit pa ako sa lalaking iyon, na hindi ko man lang alam ang pangalan. Tawagin na lang natin siyang kups, dahil naglalakad siyang kupal! Bakit nga pala ako nabwisit sa lalaki na iyon. Dahil iniwan niya yung pinagkainan niya, na hindi man lang niya hinugasan. Ano? Mahuhugasan ang mga iyon na mag-isa. Pasalamat siya nagdasal ako kanina sa cr, nagtagal ako kasi may masama ata akong nakain kanina. As in, masama ata ang pinakain sa akin ni tiyo Karding sa akin. May sama pa ata sila sa loob nang pinakain ako. Gosh. Balik tayo sa ginagawa ko now. As in naglinis ako ng kusina. Like, I don't like to call this dirty kitchen, I need clean kitchen. Tapos naglinis din ako ng kwarto. Sabi ko nga, ayaw ko ng alikabok, ayaw ko ng putik, at ayaw ko ng hirap! Kaya nilinis ko talaga. As in, kahit na-haggard ako, at least naman malinis na yung uuwian ko ano. Dugyot na nga yung kasama ko ngayon, dugyot pa ako? Very wrong na iyon ses Marites. Matapos akong naglinis ay naligo muna ako. Mga balak ko today? Need ko ng mag-grocery na good for 2 weeks or more. The next naman, ay kailangan kong ayusin yung mga schedule ko, pupunta rin siguro ako ng school now. Kung kakayanin... Pero sa ngayon ay need ko munang maligo at mag-concert sa banyo. Ako pa ba? Boses Mariah ito, plus Celine and Morissette. Hindi ako boses palaka tulad ninyo ano! Kaya naman after kong mag-freshen up, next naman ay nagluto na ako ng tanghalian. Okay pa naman yung kanin, kaya naman ulam na lang ang lulutuin ko. Inisip ko, sa mga sangkap na mayroon ako ngayon. Magluluto lang ako ng adobo ala perfecto. Kasing perpekto ko, kasing sarap ko. As in, lahat-lahat na ano! Kaya nga nagtaka ako roon kay Mr. Kups. Ako pa yung sinayang niya ano? As in ako pa talaga? Kung baga sa kanta ni Daniel Padilla. Nasa akin na ang lahat. Tapos ako pa yung sasayangin niya? Kaya nga nag-iisang anak lang ako, kasi sa akin lang solve na solve na sa akin si Clara at Fausto. Nang kumukulo na yung adobo ko with more sili... Talagang ang bango ng kusina bes, dalagang yung luto ko, masakit man sabihin, mas masarap siya ng kaunti kaysa sa akin. Sakto naman na naghain na ako at ready to lafang na, biglang bumukas yung pinto. Tumunog yung wind-chime na design ng Doraemon, kaya halatang may pumasok. Eh dalawa lang naman kami na may susi, pangatlo pala yung si Big Mama. Haha! Pero hindi ko na lang siya pinansin pa. As in, who cares about him. Nagugutom na rin ako dahil 12 na rin. So kung ayaw niyang siya ang kainin ko, itong adobo na lang! Wala naman pilitan e! Che! "Uy sakto, I am getting hungry!" sigaw niya. Medyo natulala ako ng kaunti, nakasuot siya ng sweat shirt at, well, sweat pants kung saan bakat na bakat yung talon- ay basta! Bigla akong napaiwas ng tingin. Nakita ko na lang na ang lawak ng ngiti niya. "Pakain ulit, salamat!" Umupo naman siya agad sa harapan ko at akmang magsasandok sa niluto ko. Hinampas ko ang kamay niya! Sinuswerte ata ang gago!? "What?!" galit niyang tanong. Huwga niya akong i-what what diyan ha? Baka dalawahin ko iyang bukol niya sa gitna! Dare me madafaka! "Sino nagsabing kumain ka? Um-oo na ba ako? May ambag ka ba ha? Yung pinagkainan mo pa kanina, hindi mo pa hinugasan! Doon, labas, huwag na huwag kang kakain ng niluto ko!" Taboy ko sa kanya. "Lah, damot naman," reklamo nito. Wala akong paki! "Kumain ka sa labas, huwag dito. Hindi ka na makakatikim ng luto ko, dahil unang-una. Wala kang share dito ano. Hindi kita anak, at mas lalong hindi kita kaano-ano para i-shoulder ko ang pang-kain mo. Next, dahil may kasalanan ka pa sa akin. Hindi ka man lang marunong maghugas ng plato!" mahabang lintanya ko sa kanya. Sumimangot lang siya at saka umalis! Bahala siya diyan ano. Bahala talaga siya! Hindi niya ako madadaan sa puppy eyes niya. Like dza! Kumain na ako, kaso kada subo ko ata ay nagsasalita yung isa diyan. "Sana talaga hindi makatulog ng maayos yung mga madadamot diyan Lord," sabi niya! Ang kapal talaga ha! "Sana po maging single na lang madadamot sa mundo Papa Jesus." "Sana hindi na sila maka-graduate ng college." "UMAY KA! PUMUNTA KA NA NGA DITO AT KUMAIN KA! LECHE!" Nakita ko naman siya na tuwnag-tuwa. As in tuwa na tuwa pa, maryosep. "Nice, I like your cookings. Marunong ka talagang magluto. Sarap ng pagkakaanghang ng adobo mo!" puri niya sa akin. Huwag niya akong madaan sa ganyan ha! "Hindi na uso iyang complement na ganyan. Sa panahon ngayon we need cash! Magbigay ka ng pang-grocery natin! Hindi aabot yung allowance ko kung palalamunin pa kita ano." Umiling naman siya at saka ako binigyan ng pera. Buti naman! Akala ko buraot siya e. "Ano pangalan mo pala?"tanong ko. "Huwag mo ng itanong pa. Hindi mo naman ako matitikman," sabi niyaaa! Ay ampotek! "Lods, ayusin mo buhay mo ha? Sasakalin na talaga kita! Nagtatanong ako ng maayos dito! Impakto!" gigil na sabi ko. Paano ako magiging mabuting Pilipino, kung ganito makakasama ko sa bahay. Baka umabot na ako ng pisikalan! "Chill, I am just joking. I am Mikyle," sabi niya. "Ge, I am Sho! Aalis na ako at mago-grocery pa ako. Kapag aalis ka, alisin mo lahat ng nakasaksak. Huwag mo hahayaang nakabukas o hindi naka-lock ang pinto. Kay?" Tumango lang ang kupal at natulog na. Mikyle, ayaw ko na lang magsalita. Hay nako! So lumabas na ako, mga 3 na rin siguro iyon. Ayaw ko naman mamaya dahil rush hour, traffic, kaya keri na yung ngayon. Alam niyo naman kapag maraming tao, marami rin akong nalalait. Nakakapagod kaya, at saka tinatamad ako today. Nag-commute ako ng motor, mayroon malapit na mall. So grocery na lang ako. Eh kaso bad trip yung driver. Hindi pa ako inihatid sa tamang daan. Gusto mo kuya, ilapit na lang kita kay kamatayan!? Kaya namang nang lilipat na ako sa tamang tawiran, biglang may bwakangina ang motor na dumaan! Pota! Muntik na akong masagasaan. Malabo ba mata niya?! Kulay red yung stoplight! NAG-IINIT ULO KO! Mabuti at may lalaking humila sa akin. Natatandaan ko yung motor na iyon ha?! Patay siya kapag nagkita kami muli! And speaking of my savior... Shocks, parang nakita ko na yung Mr. Right ko. Ang ganda ng bone structure niya. Mukha siyang European. Tapos dahil nahila niya ako, nasandal ako sa batak niyang katawan. Daks siya bes! "You okay?" "Okay ako, kaya pawasak naman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD