Episode 5

1610 Words
Hays, sobrang gwapo ni otoko. Parang gusto kong magpasalamat sa naka-single na muntik ng makasagasa sa akin a. Pwedeng take 2? Para makaramdam naman ako ng kisig ng isang porener! "Ah, sorry I didn't catch your words," sabi niya, medyo may accent ito. Ang lalim ng boses niya! Shet, kinikilig na naman ako. Iba talaga kapag maganda. Lapitin ng grasya. Eh kayo? Single? Because? Panget? Walang appeal? Gino-ghost? Kawawa naman pala kayo. Balik tayo sa aming dalawa. Ay, oo, mayroon ng namamagitan sa aming dalawa. Okay fine! Wala pa, pero soon! Malay niyo naman. Kapag ako natikman nito, pustahan tayo mga panget! Hahanap-hanapin niya, ang sarap ng tawag ng performance ko. Walang joke! "I am okay... I said I am okay. Thank you for saving my life! I owe you because of it. What do you want? I can treat you. Do you want adobo? Binagoongan! I can cook well." Binibenta ko na ang sarili ko rito kuya. Huwag mong sayangin ang grasya! "Really? I love Filipino food," sabi niya habang papasok na kami sa mall. Magkahawak kamay. Sabi ko natatakot pa rin ako e. Baka masagasaan ako sa mall. Bakit ba? Tama naman 'di ba? Baka masagasaan ako ng maling tao. Nginitian ko naman siya. "Really? You love Filipino food. Do you know that I am Filipino, but I can also be your food." Sagad na iyan ha? "You are funny." "Hindi ako nagjo-joke! Tikim lang e. Damot," sabi ko sa kanya. Eh hindi naman daw siya nakakaintindi ng Tagalog hindi ba? Ayan na, hindi ko na nilagyan ng filter ang bibig ko. Tiningnan niya lang ako ng may pagtataka. Nevertheless ay wala naman ako say. I mean, okay lang. Walang taste ang porener na ito. Ako na ang lumalapit o? Palay na! Hiningi ko ang name niya. Ang pangalan niya ay William, pwede rin daw Will. Akala ko nga, ang sasabihin niya na ay Will you Marry me. Nagsintas pa naman! Sigaw ako ng sigaw ng yes kanina sa isang restaurant. Napahiya tuloy ako. "I am so embarassed," sabi ko na parang hirap na hirap. "Don't be. I know that you are just being funny. Haha!" Ang sweet namin nga e. Ang sweet niya pala sa akin. Sinamahan niya pa ako sa pamimili ko ng gamit. E wala naman daw siyang gagawing today. Akala nga ng ibang mga tao, na walang trinabaho kung hindi buhay ng mga iba. Mga chismosa at inggitera! Akala nila, jowa ko itong kasama ko. Excited? Soon! Magiging jowa ko talaga ito, ng makatikim naman ako ng sarap papuntang London. Haha. Kahit na most of the time na kasama ko si Will, madalas lang akong feeling close. Masaya pa rin ako, ganoon din siya sa akin. Bakit? May angal kayo? Mga hampaslupang putik! At dahil sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko ang usapan namin nila bakla. Patay na naman ako. Pinatay ko kasi ang selpon ko kanina e. Pero hayaan mo na. Sila lang naman iyon e. Kaya na nila iyon. Magkaugat sana sila sa kakahintay sa akin. Lalo na si Lei, iniisip ko pa lang yung mukha niyang naagnas habang galit na galit. Well, priceless. Habang si MM siguro ay may hawak ng kutsilyo at pinapatay na ako sa isipan niya. Pero okay lang. Masaya naman ako ngayon. Nag-selfie pa kami ni Will at nagbigyan ng contact information. Partida siya pa humingi ng phone number ko ha? Oo na! Ako na ang humingi. Happy? Hindi pwedeng magsinungaling? Banal ninyo a. Mga bwisit. Nakauwi naman ako ng matiwasay. Ayos naman na sana ang mood ko e. Masaya... Vibrant, ganda lang. May otokong ka-date kanina e. Pero nasira yung mood ko noong may nakita akong lalaki na nagparada ng motor niya. At pamilyar yung motor, pati plaka! Ang walanghiyang si Mikyle pala ang muntik na makasagasa sa akin kanina. Bigla tuloy nagdilim ang mata ko. Kaya noong makalapit ako sa kanyang ay sinipa ko siya agad. "f**k! Bakit ka naninipa ha? Tangina, ang sakit. f**k, why did you do that!" aniya. Napakaarte, akala mo walang bayag. Ang hina lang e. Weak ampota. "Bakit kita sinipa? E bakit ka nananagasa ha? Walanghiya ka talaga e ano? Pinakain kita tapos gusto mo pala akong yariing hayop ka! Ano! Sumagot ka!" galaiti na sigaw ko. I cannot contain my anger. "s**t! Ikaw iyon? Pasensya na, nagmamadali ako kanina. Pinuntahan ko lang yung chicks ko. Eh kaya ganon. Pasensya na! Hindi ko naman sadya e." Inirapan ko siya ng bongga na bongga! Para sa babae pala, sasaktan niya ang tulad kong anak ng Maykapal, mabuting anak, kaibigan, kaulayaw! Kaloka. "Bitbitin mo lahat ng grocery na iyan. Ang kapal ng mukha mo talaga!" Hindi talaga ako makapag-move on. Leche na iyan. "Kalma ka na nga sabi e. Hindi ba at nag-sorry naman na ako, hindi ba? Hindi ko nga sadya!" Pilit niya. Ang gago lang ng hindi niya sadya. Oh sino pala aawayin ko, yung gulong? "So kasalanan pala ng daan, kaya muntik akong mabangga kanina? Ang galeng naman." Nauna na siyang umalis sa akin. Kung pasmado iyang kamay niya, kaya muntik niya akong masagasaan kanina. Mas pasmado ang kabaliwan ko. Bungol niya! Pagpasok ko sa dorm namin, hindi talaga kami nag-iimikan Sis. E bakit ko naman kakausapin iyang gwapong malibog na iyan? Hindi talaga ako makalimot sa ginawa niya. Muntik niya na akong nayari kanina e. Eh kung siya ang ipasaga ko sa elepante. Unang ipapatiris yung t**i niya. Iyon lang naman ang malaki sa kanya e. Yung utak niya, 'sing laki ng butil ng munggo. Alam niyo, na hindi niyo pa alam. Hindi ko talaga feel si Mikyle. Ang presko niya, at pakiramdam ko pa ay paiba-iba ito ng ugali. Mabait, masungit, malibog, mamatay tao. Napaka-complex naman pala niya. Bakit hindi siya mag-artista? Hindi ko na siya masyadong inisip. Imagine kung ilang buwan o taon kong makakasama sa silid na ito iyang lalaki na iyan. Kahit hindi ko bet. Kailangan ko na siguro talagang ma-immune mula sa kanya. Pero huwag niyang aasahan na masisindak niya ako. Hindi niya pa ako kilala. Nagluto ako ngayon ng masarap na ulam. Nakakahiya naman sa anak ng Diyos na nanunuod lang sa laptop sa double deck namin. Habang ako nagluluto, nag-aayos. Tapos gusto ko talagang tumili sa inis. Kasi nakita ko na kung saan-saan lang niya itinatapon yung damit niya. Ginagawang bola ng basketball ang ipinabilog na damit. Hindi naman nai-shoot sa hamper. Gusto ko siyang hampasin ng hanger talaga. Yung looks kasi niya, hindi compensated sa ugali nito. Ang burara niya. Nakakainis. At the end of the day, baka isang linggo pa lang ako rito. Mukha na akong nakapanganak ng sampo. Bwenas na buhay ito oo. Matapos akong magsaing at magluto ng ulam namin ay pinuntahan ko na siya at saka ko hinampas yung pwet niya. Tambok a. Sexy. Oh? Bakit? Bakit ang sama ng tingin mo, ha? Inggit ka ano? Wala kang mahampas ano? Napigtad naman ito si Mikyle. Nakadapa kasi siyang nanunuod ng Netflikx. Wow? Chill na chill. "Tyansing ka a? Are you seducing me?" sabi niya na nakangisi. "Ha? Seduce? Ikaw, kapal naman ng mukha mo. Ise-seduce pa kita e, pawis na pawis na ako. Kumain ka na roon, may pagkain na. Nakakahiya naman sa iyo, baka kapag nagutom ka e, lalong pumasma kamay mo. Tapos masasagasaan mo na naman ako sa motor mo!" mataray na sabi ko. Gusto mo bang sample-an din kita?! "Daming sinabi." Umirap ako sa kanya. Bwaka na ito. Wala man lang thank you, arigato, sheshe, salamat! Salamat ha? Salamat na lang sa lahat. Kinuha ko na yung towel ko at pumasok sa banyo. Yung cr na malapit sa kusina. Kaya naman after kong mag-shower at feel ko, fresh na rin ako ay lumabas na ako ng cr. Nakatapis na ako... Nakalimutan ko kasi damit ko. "Oh? Bakit ngayon ka lang kumakain? Isang oras ako sa banyo a?" "Nagjakol muna ako." Tanginaaaa! Ayaw ko na talaga rito Clara! "Umay ka! Kumain ka na nga lang diyan. Bwiset!" galit na sigaw ko sa kanya. Nakita ko na dumapo ang mata niya sa katawan ko. Napayakap tuloy ako sa sarili ko. Towel lang ang suot ko ano. "You are really seducing me," kumbinsido na aniya. Ang kapaaal! Hindi na nakaka-fresh. "Gago! Kung ikaw lang, bibili na lang ako ng d***o. Umay ka! Kumain ka na lang diyan." "Sabay na tayong kumain. Para mas nakakagana, at saka bakit ka pala nakatapis? Hanggang dibdib pa. Haha! Tangina pre, may dede ka?" Nang-iinsulto ba 'to? Itong gwapong kupal na 'to? "Ayusin mo pananalita mo, ha? Baka palamunin kita ng graba. Makaalis na nga!" Naglakad na ako papuntang silid namin, at narinig ko pa siya na nagsalita. "Nice legs, flawless!" At saka pa siya pumito na parang bastos sa kanto. "Manigas ka diyan! Hanggang tingin ka lang! Hayop." Ano ba itong buhay na pinasok ko. May dormate akong manyak, na noong una ay suplado, na madalas ay nakakaasar talaga! Nakapagbihis na ako ng pantulog. Sinabayan ko na siyang kumain. Kaunti lang kinain ko. Gabi na e. Diet din pag may time. Eh 'di ba wala ka naman time mag-diet! Kaya ganyan iyang katawan mo! Pwe! "Sarap nitong sisig mo a. The best talaga. Pwede ka ng mag-asawa. Reto kita sa tropa ko rito. Namamakla iyon, 1500 lang. Pero kapag kinausap ko, 1k na lang. Ano? Pakyawin mo na." Muntik na akong masamid. "Alam mo... Ang gago mo. Kumain ka na nga lang diyan! Ginaya mo pa ako sa mga cheap na baklang iniisip mo. Hindi lahat ng bakla, katulad ng ini-stero mo ha? Sungalngalin kita ng kutsara e." Tawa lang siya ng tawa. So napapasaya kita? Habang ako bwisit na bwisit? Aba e, bwisit na buhay naman pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD